Advertisers

Advertisers

LENI ROBREDO, NAGPASALAMAT KAY ERWIN TULFO SA TULOY-TULOY NA TULONG SA MGA BIKOLANO AT ANGAT BUHAY

0 6

Advertisers

NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si dating Bise Presidente Leni Robredo kay Senatorial candidate Erwin Tulfo dahil sa tuloy-tuloy na pagtulong nito sa Bicol, partikular na sa Naga, at sa maaasahang pakikiisa nito sa Angat Buhay Foundation Inc., lalo na noong panahong siya ang Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bumisita si Tulfo sa tahanan ni Robredo sa Naga nitong Sabado, matapos ang kanyang market tour sa Naga People’s Mall, ang pangunahing pampublikong pamilihan ng lungsod, kung saan mainit siyang sinalubong ng mga residente.

Malugod din siyang tinanggap ni Robredo sa pamamagitan ng simpleng pananghalian at kwentuhan sa tahanan nito.



Binalikan ni Robredo ang mabilis na pagtugon nina Tulfo at ng ACT-CIS Partylist nang dumaan ang Bagyong Kristine noong 2024, kung saan nagbigay sila ng 2,000 sako ng bigas at P1 milyon cash assistance para sa mga nasalanta.

Ipinunto rin ni Robredo ang malaking naitulong ni Tulfo sa mabilis na pag-accredit ng Angat Buhay sa panahon ng panunungkulan nito sa DSWD noong nagsisimula ang organisasyon noong 2022.

Ani Robredo, “Noong Secretary pa si Erwin ng DSWD, napakalaking tulong niya sa Angat Buhay. In fact, nabisita ko siya sa opisina niya sa DSWD, maganda yung synergy ng Angat Buhay sa DSWD kasi kami ‘di ba, anti-poverty rin?”.

Pahayag pa niya “Malaki ang naitulong ng leadership niya—hindi kami nahirapan sa pagkuha ng accreditation. Kapag pumupunta kami sa lugar at may sakuna, laging merong coordination with DSWD kaya grateful naman ako.” dagdag pa ng founder ng Angat Buhay Foundation.

Samantala, nagpasalamat din si Tulfo kay Robredo sa mainit na pagtanggap nito at sa ipinakita nitong pagpapahalaga sa kanyang serbisyo publiko.



Sabi ni Cong. Erwin Tulfo, “We really appreciate that na-appreciate ni VP Leni ang ginawa natin noon. Since then, I believe that this is the best practice: Huwag ka tumingin sa kulay. Kasi kapag tumingin ka sa kulay, walang mangyayari, kawawa, may maiiwan. Kailangan, tingnan mo ang lahat. At the end of the day, we are all Filipinos so we need to set aside political colors.”