Advertisers

Advertisers

Kyline pinatutsadahan ng ina ni Kobe na si Jackie

0 63

Advertisers

Ni Archie Liao

PINAG-uusapan ng mga marites ang IG cryptic posts ni Jackie Forster, ang nanay ni Kobe Paras na dyowa ni Kyline Alcantara.

Iniisyung pinarurunggitan ng dating aktres si Kyline sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan ng anak at ng Kapuso actress.



May mga nang-iintriga pang umalma si Jackie in defense of her son na naba-bash dahil umano sa pagiging chickboy nito na itinuturong dahilan ng pagkakalabuan ng dalawa.

May kibitzers pang nagsasabing di talaga feel ni mudra si Kyline para kay Kobe.

Makahulugan din ang posts ni Jackie tungkol sa delicadeza at pagmamanipula.

Post niya :”Removing your presence from places you don’t feel loved, valued or respected is top tier self-care.”

Hirit pa niya :”Manipulation is when they focus on how you reacted instead of how they treated you.”



Umani naman ang kanyang cryptic posts ng samu’t saring reaksyon sa mga katkatera at sawsawera.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“hindi yan nag parinig sa mga ex ni Kobe like Ponggay at Erika, ngayon lang ata yan nag parinig”

“The momma bear is out ??”

“And also…hindi naman nagcocomment si ?? non sa ibang exes. Now lang talaga. ????”

“Rinig ko ang halakhak ni Carmina.”

“Two moms, same thoughts. There is something wrong with the girl. Maybe. We’ll never know.”

“2 moms na ang ganyan. Something is fishy about kay ate. Kaya I don’t understand the hate towards Carmina.”

“Maybe because her fans are attacking kobe and she’s not saying anything but nagpost siya na kumakanta for her fans like she’s the bigger person (not literally ha meaning ko ay lakas lakasan dun sa context ng video and nagsympathize naman ang fans niya) For me, yun pa lang ay manipulation. So his mom stepped in?”

“Lahat na lang binibigyan ng meaning. Di naman umiikot buhay nila sa isa’t isa. Jusko.”

“Grabe pati IG post nairelate? Baka naman may iba silang problema???”

“Why are we assuming na this is for Kyline? Pwede namang sa ibang tao to o she just posted this in general.”

“hahaha. Sunog si Ky.”

“Ayaw pakabog kay Carmina.”