Advertisers

Advertisers

Jericho naghahanda na para pakasalan si Janine; Kim pina-tattoo ang pangalan sa balikat ng islander

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

TOTOO kayang pinaghahandaan na raw ni Jericho Rosales na pakasalan si Janine Gutierrez? Diumano’y naghahanap na raw ito ng kanilang future home.

Mukhang botong- boto naman ang pamilya ng aktres sa aktor. Nitong magkasunod nga na pagkamatay nina Pilita Corrales at Nora Aunor na parehong lola ni Janine ay hindi nawala si Jericho sa tabi niya. Marami pa ang natuwa dahil sa eulogy para kay Pilita ay napaamin ang aktor na siya ang boyfriend ni Janine. Kumpirmasyon lang naman ang kulang dahil halata naman na matagal nang may relasyon ang dalawa.



Well, nasa right age na naman sila kung sakaling pakakasalan na ni Jericho si Janine..Pero ang malaking tanong ngayon ay kung annulled na ba si Jericho sa ex-wife niyang si Kim Jones? Kahit kasi matagal na silang hiwalay at maayos naman ang paghihiwalay ay hindi pa nagbibjgay ng update ang aktor tungkol dito.

***

ISANG lalaki sa isang island na ang pangalan ay Celin Magsino Garcia ang sobrang idol si Kim Chiu.

Katibayan na nga, na nagpagawa ito ng bangka na nilagay ang name ni Kim at may picture din nilang dalawa na magkasama na idinikit sa bangka. Bukod pa rito, nagpa-tattoo yung guy ng name ni Kim sa kanyang balikat.

Nag-post siya sa social media na sana raw ay mapansin sya ni Kim.



Post ni Celin,”Idol Kim Chiu, sana naman mapansin mo na ako at yung bangka ko na pangalan mo nilagay ko. At isa pa ipinatattoo ko din idol ang pangalan mo sa balikat ko,”

O di ba, grabe ang pagka-fan ni Celin kay Kim?