Advertisers

Advertisers

“INAALIMANGO” SINA FRONDA, PALACIO, PIJI AT CERRADO!

0 1,377

Advertisers

MALAS ang mga mayoralty candidate na sina Leslee Fronda ng Balayan, Pedro Palacio IV ng Calatagan, re-electionist Joseph Piji ng Lian at Jecerell Jose Cerrado ng Tuy, pagkat tulad ng alimango ay hinihilang pababa ang mga ito ng mga operator ng ilegal na sugal na nag-ooperate sa kani-kanilang mga munisipalidad.

Kasamang babagsak ng mga naturang pulitiko sina Batangas OIC-PNP Provincial Director Col. Jacinto Malinao Jr. at karamihan sa mga police chief nito na pakuya-kuyakoy lamang sa kanilang air conditioned na tanggapan na di umaaksyon laban sa mga vice operators sa kanilang mga hurisdiksyon.

Ipinunto ng grupo ng mga Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na talamak ang operasyon ng bawal na sugal tulad ng Small Town Lottery (STL) bookies o jueteng, pergalan (peryahan na pulos sugalan), sakla at iba pa sa mga naturang munisipalidad, maging sa mga siyudad at iba pang mga bayan ng naturang probinsya.



Sa bayan ng Balayan ay untouchable ang patupada at pasakla ng isang alyas Kap Ogie habang ratsada din ang operasyon ng madayang 1-40 STL bookies operation ng isang Noche, Leo at Jap. Walang aksyon laban sa mga nabanggit na ilegalista sina Balayan Mayor JR Fronda, asawa ng mayoralty candidate Leslee Fronda.

Kilalang alyado sa pulitika ng mga Fronda sina Noche, Leo at Jap kaya marahil dedma at balewala lang kay Balayan Police Chief LtCol. Dexter Domingo at maging kay PD Malinao Jr. ang mga kabalbalan nina Kap Ogie, Noche, Leo at Jap?

Sa bayan ng Calatagan ay isinisisi naman ng MKKB ang talamak at di masugpong operasyon ng STL bookies ng isang alyas Allan sa lahat na barangay ng Calatagan. Si Allan ang nagpapatakbo din ng jueteng o bookies operation sa mga bayan ng Bauan at Cuenca.

Hindi lamang ang perwisyong bookies o jueteng ang nagpapasadsad naman sa kandidatura ni Pedro Palacio IV kundi maging ang operasyon ng kunwari ay tradisyunal na peryahan ng isang Arnel at Jestoni sa mismong sentro ng naturang bayan. Ang mga naturang vice den ay kapwa front ng bentahan ng shabu.

Dinarayo ang naturang pergalan/shabuhan ng mga drug addict mula sa iba’t ibang lugar ng probinsya at Metro Manila. Gayunman ay walang aksyon laban dito sina Col. Malinao Jr., Mayor Peter Palacio, ama ni mayoralty candidate Pedro Palacio IV.



Pinaniniwalaang may kinalaman ang nababalitang libreng almusal, tanghalian, pati na meryenda at hapunan para sa ilang miyembro ng kapulisan ng Calatagan kung kayat di kumikilos laban dito si Calatagan Police Chief Major John Conrad Villanueva?

Napakatagal namang inirereklamo ng mga residente ng bayan ng Lian ang pergalan ng dalawang kilalang drug pusher na sina alyas Ka Rudy at Pajon sa Poblacion Lian. Lantaran ang pagpapataya sa madadayang color games, beto-beto at iba pang bawal na card at table games bukod pa sa tambayan din ang nabanngit na gambling/drug den ng mga drug pusher at mga adik sa shabu.

Sina Ka Rudy at Pajon din ay nag-ooperate ng peryahan na may shabuhan sa Poblacion Tuy na matagal na din inireklamo ng mga residente ng naturang munisipalidad, ngunit balewala lang din ito kay incumbent reelection Mayor Jecerell Jose Cerrado. Baka naman naduduwag si Tuy Police Chief Major Broderick Nofrada na kantiin ang mga pa-ilegal nina Pajon at Ka Rudy pagkat hayag na nagbibigay ng election fund ang naturang drug/gambling operators sa ilang lokal na opisyales ng nasabing bayan?

May permanente na ala mini casino pa na mayroong mahjongan at bilyaran na milyones ang pustahan sa tabi lamang ng Lian Public Market. Ngunit dahil sa may ipinagmamalaking political ally ang operator nitong nagpapakilalang ex NPA commander ay hindi ito maaksyunan nina re electionist Mayor Joseph Piji at ng kanyang Police Chief Major Jeffrey Dallo.

Bukod sa mga naturang gambling con drug den ay talamak din ang operasyon doon ng STL bookies ng sindikatong Triple J. Ang Triple J ay kilalang big time drug dealer din sa buong probinsya at iniuulat na nagpopondo sa re election bid ni Mayor Piji?

Ayon din sa MKKB, ang operasyon ng illegal vices lalo na ang STL bookies, pergalan at saklaan ang “pinakamalakas” na pinagkukunan ng election fund ng maraming alkalde at iba pang lokal na opisyales at police officials sa Batangas, kayat dapat itong lipulin agad nina PNP Police Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Nicolas Torre III.

Tiniyak ni COMELEC Commissioner George Garcia na aaksyunan nila ang kahilingan ng PNP hierarchy sakaling mag request ang mga ito na alisin sa pwesto o ilipat ng assignment ang sinumang kagawad o opisyales ng PNP. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144