Advertisers

Advertisers

Ex-Convict Rolito Go, muling kinasuhan

0 5

Advertisers

Sinampahan na ng kaso sa Quezon City Prosecutors Office ang negosyante at ex-convict na si Rolito Go.
Kaugnay ito sa kanyang pagwawala at pananakit sa isang security guard ng isang condominium building sa Cubao, Quezon City.

Kasong grave coercion, perjury at public scandal ang isinampa laban sa kanya.

Sa records ng Quezon City Police District Station 7, nag-ugat ang kaso ng hindi pumabor sa kagustuhan ni Go ang resulta ng election of officers ng Homeowners Association sa Portovita Condominium.



Lalong ikinagalit nito ang pagkatanggal sa pwesto bilang bise presidente ng asosasyon ang kanyang anak na si Russel Go.

Sa ngayon, maayos nang na take over ng mga bagong opisyal ang HOA at umaasa na magbabalik na sa normal ang operasyon.