Advertisers
Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Provincial Police Office ang apat katao kabilang ang drug den operator habang simusinghot sa isang drug den sa isagawang buy bust operation sa Brgy, Mulawin sa bayan ng Orani Bataan, Abril 25, 2025.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Dir. Bgen. Jean S Fajardo kinilala ang mga nadakip na sina alyas Jec-Jec 29, drug den operator; alyas Ken, 40; alyas Ali, 50; at alyas Sisi, 27 anyos, kapwa residente sa nabangit na lugar.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P 68,000.00 at buy bust money.
Samantala nasa custodiya na ng PDEA Detention cell ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 , otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Thony D. Arcenal)