Advertisers
GIVE credit to whom it is due.
Isang karangalan pàra sa bansa na mapili ang isang Pilipino na natatangi at tatanggap ng prestihiyosong gawad mula sa international award-giving body dahil sa kanyang naiambag na kapaki-pakinabang sa larangang kanyang pinaglaanan ng panahon, dedikasyon , determinasyon upàng mapansin sa mundial na entablado ang galing ng Pilipino.
Si Master Crisanto Cuevas na isang taal na taga-Tanay, Rizal ang nagtatag ng GSF Raven Sikaran Tanay ang naging lunduyan ng mga kabataang entusyastiko sa tradisyunal na sport na sikaran na isang larangang tunay na sariling atin.
Bukod sa gymnasium ay itinatag pa ni Master Cuevas ang GSF Raven Sikaran Tanay Learning School sa kanyang balwarte na lalo pang nagpa- multiply sa mga nahihilig sa sport na ito kung kaya pagdating sa national tournaments ay powerhouse ang Tanay sa pagigìng overall champion na naging susi upang parang kabuteng lumaganap ang sport sa buong kapuluan na naging modelo ay ang sistema ni Master Cuevas.
Lumaganap na rin sa international na eksena ang Sikaran dahil sa Global Sikaran Federation na itinatag ni Grandmaster Hari Osia Catolos Banaag katuwang si Master Cuevas bilang secretary general na naka-base sa California.
Nakapagpakitang -gilas na ang mga piling Pinoy Sikaran talents sa mga big sporting events tulad ng halftime NBA sa L.A. at iba pang global stages.
Sa kabuuan, ang dedication ni Master Cuevas ay napasin ng internasyunal na award giving body bilang isa sa mga dakila sa world martial arts na naging exceptional ang kanyang ambag para sa bayan at kababayan.
Isang award na marapat lang bigyang -pugay at di dapat kainggitan.
Sa mga di maka- move on dahil sa inggit, may mensshe si Master Cuevas:
“Para sa lahat po ng Martial Artist. dito po nag- simula ang nomination ko sa The Greatest Martial Artist na gawad, isang chat or email mula sa di ko naman friend sa FB at ako po ay na-invite sa naturang parating na okasyon. Isang malaking karangalan para sa akin at para sa Sikaran ang makatanggap ng ganyang award pero meron po tayong mga kasamahan na sobra ang inngit at pinalalabas na ako daw mismo ang nag- nominate sa sarili ko,nakakalungkot isipin na meron ganyang mga pag iisip na crab mentality ang tawag diyan, di nila matanggap na di sila nakasama sa award.Kawawa naman po ang mga taong ganyan na halos mamatay sa sobrang inggit. Pasensya na po kayo dahil sila iyong maski anong gawing pag sisikap sa sikaran ay wala pa din mararating dahil inggit ang nanaig”.
Oo nga naman..Iwaksi na ang ugaling inggit at ikarangal ang narating ng isang kababayan para sa bayan…MISMO!