Advertisers

Advertisers

‘CONGRESSMAN’ SA MAKATI CONVICTED SA ILLEGAL DRUGS!

0 28

Advertisers

KONTROBERSIYAL ngayon ang isang tumatakbong kongresista sa Makati City nang mabunyag na siya ay convicted sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga sa Amerika.

Nasa tiket ni mayoral bet Representative Luis Campos at Rep. Kid Peña, na kumakandidato sa pagka-alkalde at bise alkalde, si Councilor 2nd District Dennis Almario na nais mahalal bilang kongresista.

Batay sa dokumento na inilabas ng Superior Court of New Jersey (SCNJ), si Almario ayconvicted sa kasong drug trafficking/possession with intent to sell sa Estados Unidos.



Ayon sa official authenticated Judgment of Conviction na inilabas ng SCNJ noong Eneroi 23, 2025, si Almario ay nahatulan Setyembre 28, 2004 sa mga kasong ‘Possession of a controlled substance’ (PCDS), ‘Possession with intent to sell/deliver’ (PCDS W/INT), ‘Conspiracy to commit a crime’ (CONSPIRACY), ‘Maintaining fortified premises for drug distribution’ (FORTIFIED PREMISES), ‘Hindering apprehension’ (HIND APP), at ‘Tampering with evidence’ (TAMP W/EVID).

Siya ay inaresto Hunyo 6, 2003 sa Belleville, New Jersey dahil sa pagbebenta ng methamphetamine hydrochloride (shabu), at nahatulan ng 5 taon kulong ng New Jersey Department of Corrections (NJDC).

Kasabay ng kanyang hatol sa isang federal na kaso sa New York, kinumpiska ang perang nakuha sa kanya.

Bukod rito, siya rin ay nahatulan sa kasong ‘robbery’ o burglary at nakulong ng 44 araw bago isinailalim sa 2 taon na probation.

Noong Oktubre 2024 nang maghain ng petisyon sa Comelec si Gaudencio Babasa Jr. para sa hiling na kanselahin ang ‘certificate of candidacy’ ni Almario dahil sa hindi naman nito naideklara na siya ay may nagawang krimen na may kinalaman sa moral turpitude—isang batayan para sa diskwalipikasyon sa pagtakbo sa halalan.



Bagama’t hindi pa nagbibigay ng pinal na desisyon ang Comelec, iginiit ng ilang legal experts na ang isang nahatulan sa kasong tulad ng pagtutulak ng ng iligal na droga ay maaaring tanggalin sa pwesto o hindi pahintulutang tumakbo sa anumang pampublikong posisyon.

Sinisikap ng Police Files TONITE na makuha ang panig ni Almario para sa kanyang panig.