Advertisers
KINUMPIRMA ni Philippine Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos na namataan nila ang presensya ng Chinese warships na umaaligid sa isinasagawang joint Philippine-United States naval exercises o Balikatan.
Ayon sa nakalap na report ng PH Navy, tatlong vessels ng People’s Liberation Army Navy (PLA-N) ang namataan nila sa layong 60 nautical miles sa Kanlurang bahagi ng Palauig, Zambales.
Kabilang sa tatlong vessel ang Jiangkai II-class frigate bow no. 579, isang hindi pa matukoy na vessel (bow number 500) at isang Dongdiao II-class auxillary surveillance ship (bow number 797) na pawang mga warships ng China ang natukoy ng hukbong dagat.
Samantala, ang mga presensya ay nakumpirma habang nagsasagawa ng Division Tactics ang BRP Ramon Alcaraz at BRP Apolinario Mabini.
Sa kabila nito ay wala namang naitalang disruption mula sa panig ng China at nagpatuloy lamang ang mga training activities sa Balikatan.