Advertisers

Advertisers

Bilyong piso kita sa “dredging kuno” sa Mindoro province, ibinunyag (Part 3)

0 8

Advertisers

HIGIT sa P4.8 bilyon kada buwan ang kita ng contractor at pulitiko ng proyektong ‘river dredging kuno’ dyan sa Oriental Mindoro.

Ito ang mensahe na natanggap ng BALYADOR sa pamamagitang ng text messages ng isang nagpakilalang engineer ng Department of Public Works and Highway o DPWH na ayaw magpakilala bilang proteksyon na rin sa kanya.

Aniya, tiba-tiba si contractor at si pulitiko sa operasyon ng dredging na lingid sa kaalaman ng mamamayan ito ay isang uri ng “mining” o “quarry” sa mga baybaying karagatan ng Oriental Mindoro.



Kasabay nito, hiniling niya sa mamamayan na magkaisa ang lahat na tutulan ito at manawagan kay Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. na gumawa ng hakbang upang ipatigil ang isinasagawang pagmimina ng buhangin sa mga baybaying karagatan at dalampasigan ng Oriental Mindoro dahil nasasangkot sa i­ligal na extraction ng black sand, o magnetite, isang ore ng iron na ginagamit sa produksiyon ng bakal at iba pa.

Aniya ang ginagawang paghuhukay ng mga malalaking chinese dredging vessels sa mga baybaying karagatan ay banta sa pagkasira ng kapaligiran at kabuhayan ng mga mamamayan partikular ang mga mangingisda.

Nabatid niya na pinahihintulutan ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor na suportado umano ng permits mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang proyektong “river dredging” ay nagbibigay-daan sa dalawang kumpanya na kumuha ng 38.5 milyong metro kubiko ng materyal sa ilog, na ang karamihan sa buhangin ay gagamitin para sa itinatayong 318 ektarya ng Manila WaterFront Reclamation Project sa Manila Bay at 2,500-ektarya na New Manila International Airport Reclamation Project sa Bulacan.

Take Note; gusto kulang iklaro na hindi sa ilog kinukuha ang tone-toneladang buhangin ng mga chinese dredging vessels, kundi sa mga baybaying karagatan at dalampasigan ng Oriental Mindoro.

Napag-alaman din ng source na dalawang kumpanya ang diumanoy pinahihintulutan ni Gov. Dolor na kumuha ng 38.5 milyong metro kubiko ng buhangin sa ilog ng Subaang River at Alag, Longos River, Bucayao Silonay River, Mag-asawang Tubig River, Balete River, Bansud River, Bongabong River, at Sumagui River na tinatayang aabot sa higit 6-milyong beses na hakot ang gagawin ng isang 12 wheeler dump truck.



Gaano kaya ito katotoo Governor Dolor Sir, bakit hindi nyo nabanggit sa inyong liham sa Sangguniang Panlalawigan (SP) na may petsang Oktubre 23, 2023 ang pangalan ng contractor at kumpanya na siyang magsasagawa ng dredging sa mga kailogan at paano napasali ang Oriental Mindoro, Kailan pa? Saan makikita ang mga dokumentong legal para ma-tsek ng mga interesado?
Gob, paano nila napili ang kumpanyang magdi-dredge. May agreement ba sila sa mga barko o subcontractor nila to make sure na lahat ng nagta-trabaho ay legal,
Paki sagot lang po!

Dahil nangangamba ang mga residente at grupong makakalikasan na nagpahayag ng pagkabahala sa posibleng epekto sa marine ecosystem, lokal na kabuhayan, at kaligtasan ng komunidad na posibleng maapektuhan ng pagmimina ng buhangin sa mga nabanggit na lugar.

Samantala sa ulat na inilabas ng DENR-Mines & Geosciences Bureau (MIMAROPA) noong Pebrero 2020, sinasabi ng ahensya na hindi sapat ang “river dredging” para solusyunan ang problema sa baha sa Oriental Mindoro.

Kailangan aniya na katuwang ang engineering intervention at kinakailangan din na dumaan ang mga proyekto sa Environmental Impact Assessment (EIA) dahil bukod sa nabanggit ng DENR-MGB, mahalaga rin umanong magkaroon ng malawakang programa para sa proteksyon at rehabilitasyon ng mga kanlungang-tubig (watershed areas), kung gusto nais umanong itama ang pangmatagalang solusyon.

“Kaya huwag kayong maniniwala kapag sinasabi ng Provincial Government na ang inaprubahan niyang mga proyektong River Restoration through “Dredging Activities” ang tatapos sa problema sa baha, at ang mga tumututol dito ay tutol sa pag-unlad ng lalawigan wag kayong maniwala dahil nililinlang lamang kayo ni Governor Dolor para sa kanyang pansariling interes”. – dagdag pa ng source

Samantala nanawagan naman kay Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano ang mamamayan at makakalikasan na itigil na ang dredging operation sa kanilang lugar particular sa Barangay Talabaan Mamburao, Sablayan at Santa Cruz dahil naapektuhan na ang kanilang mga pamumuhay.

Ayon sa mga residente nais nilang matigil ang walang habas na dredging sa karagatan at paghahakot ng bulto-bultong buhangin na dinadala umano sa China at Manila Bay ng mga malalaking dredging vesssels na may chinese markings sa pangambang wala na silang mahuhuling isda sa karagatan at sa posibleng tsunami.

Matatandaan na umakyat na sa 9 katao ang nasawi sa pagtaob ng MV Hong Hai 16 sa karagatang sakop ng Barangay Malawaan Rizal dahil sa walang habas na dredging ng mga barkong may mga chinese markings.

Dahil sa insidente nagpalabas ng Cease and Desist Order si Gov. Gadiano para ipatigil pansamantala ang dredging operations ng Blue Max Tradelink Inc. na tumaob dahil sa bigat ng kargang buhangin na may timbang na 7,400 cubic meters na ikinasawi ng 9 katao dahil sa pagmimina ng buhangin.

May mga impormasyon na ang mga chinese na tripulante ng mga dredging vessels ay kulang kulang ang mga papelis.
Tutukan natin ito!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com