Advertisers

Advertisers

Anyare? Imee, Camille laglag sa endorsement ni Duterte

0 4,449

Advertisers

DALAWANG linggo o eksakto 14 days nalang eleksyon na, mga pare’t mare. Maghahalal ulo tayo ng mga opisyal na mamumuno sa ating bayan/lungsod at lalawigan para sa tatlong taon na termino at 12 senador para sa anim na taon bilang mambabatas ng bansa.

Oo! Sa Mayo 12, panalangin ko na maghalal tayo ng tama, ibasura na ang eleksyon na kuwarta-kuwarta nalang. Dahil ang opisyal na walang kakayahan at nahalal dahil lang sa pamimili ng boto ay siguradong walang magagawang maayos sa kanyang termino. Tandaan: Ang kandidato na gumastos ng milyones sa eleksyon pagkaupo ay tiyak na babawiin ang nagastos, at ang social services nito ay siguradong malabnaw at sub standard ang mga proyekto. Peks man!

Mas maige na maghalal ng kandidato na hindi gumastos ng malaki at may malinaw na programa para sa taongbayan. Okey?



***

Tablado kay dating Pangulo Rodrigo “Digong” Duterte sina senatorial candidates Senator Imee Marcos at Deputy Speaker Camille Villar kahit pa dati na silang inendorso ni Vice President Sara Duterte.

Ang sabi ni Digong: Ang kandidato lang niya ay ang “Duter10”. Araguy!!!

Ang gulo naman kasi ng mag-tatay. Sino ba talaga kina Digong at Sara ang susundin ng mga tao nila? Ang ama na nakakulong sa The Hague, Netherlands o si Sara na nahaharap sa sangkaterbang isyu ng katiwalian (kabilang na rito ang impeachment)?

‘Headless chicken’ na yata talaga ang oposisyon at tila kanya-kanya na ng galawan. Mismo!



***

Maging si Senator Robin Padilla, ang PDP Laban president, ay nagsingit din ng pag-endorso kina ex-Senator Gringo Honasan, Senate Majority Leader Francis Tolentino, at maging kay Imee. Hahaha…

May balita-balita nga na nag-leave sa group chat si Robin dahil kinuyog siya ng mga kapartido niya dahil sa kanyang ginawang pag-endorso labas sa PDP Laban ng walang bendisyon ng mga miyembro.

Ayon sa parehong abogado at PDP Laban senatorial candidates na sina Raul Lambino at Jimmy Bondoc, ang nominasyon at pag-endorso ng partido ay dumadaan sa proseso. Kung kaya’t hindi katanggap-tanggap ang pag-entrada nalang basta ng iba.

Ang kaguluhan sa hanay ng oposisyon ay indikasyon lamang na wala nang tumitimon dito at wala nang nagbibigay rito ng iisang kumpas.

May mga nagsasabi nga na personal ang dahilan kung bakit namamakyaw ng mga ieendorsong kandidato si Sara. Ito’y dahil kailangan niya kasi ng numero sa Senado sa panahon ng impeachment trial. Nabuking ito ng mga tao at ngayon ay todo-denay siya rito.

Mukhang nagamit lang ni Sara sina Imee at Camille, at mukhang hindi rin tatalab ang pag-endorso ng Bise Presidente sa nangungulelat na dalawa ngayong diniinan na ni Digong ang Duter10. Tsk tsk tsk…

Saan na ngayon pupulutin sina Imee at Camille?