Advertisers

Advertisers

MEETING OF STYLES PHILIPPINES 2025, INILUNSAD SA TAGUIG CITY

0 44

Advertisers

NAGING matagumpay ang paglulunsad ng tatlong araw na pagdiriwang ng sining at kultura, ang Meeting of Styles Philippines 2025 na nagdadala ng pandaigdigang street art phenomenon na ginanap noong sa TLC Park, Laguna Lake Highway ( C6 Road) Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Ang kapana-panabik na kakaibang kaganapan na ito na nagsimula noong Biyernes, April 25 hanggang Linggo, April 27,2025 ay nagtatampok ng malakihang live na pagpipinta ng mural ng mga lokal at internasyonal na graffiti artist, immersive art zone, pop-up gallery exhibit, at makulay na pagtatanghal ng musika mula sa mga nangungunang local acts na nagpapakita ng pinakamahusay sa parehong katutubong talento at global creativity.

Higit pa sa mga mural, ang selebrasyon ay nabubuhay sa mga beats at ritmo habang ang mga top local musicians ay umaakyat sa entablado, na itinakda ang vibe sa mga live performances na tumutugma sa enerhiya at diwa ng sining sa buong paligid.



Ang TLC Park ay magsisilbing canvas at entablado para sa mga artist at mga audience na nagiging isang buhay na buhay na lugar kung saan ang pagkamalikhain ay walang hangganan.

Sa loob ng isang dekada, ang Maynila ay isa sa mga pangunahing hub para sa Meeting of Styles sa Asia. Ang mga writers at artists sa buong mundo ay muling magpapakita ng kanilang mga natatanging istilo,diskarte, at kasanayan sa pagpipinta. (JOJO SADIWA)