Advertisers

Advertisers

Mas mahigpit na cybersecurity para maprotektahan eleksiyon sa Mayo isinulong ng ‘Alyansa’

0 6

Advertisers

DAGUPAN CITY — Siguruhing walang magiging manipulasyon sa eleksiyon, palakasin ang Philippine cybersecurity.

Ito ang panawagan ng mga pambato ng administration-backed Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial bets upang matiyak ang integridad at masigurong walang magaganap na dayaan sa darating na midterm elections sa Mayo 12.

Nais ni former Senator Panfilo Lacson, dati ring hepe ng Philippine National Police, na makipagtulungan ang pamahalaan sa mga pribadong sektor sa pagpapalakas sa intelligence community, partikular sa National Security Council.



“Siguro pwede nating kunin ang serbisyo ng mga indibidwal mula sa mga pribadong sektor na tumulong para makapag-put up ng stronger firewall doon sa ating mga agencies,” sabi ni Lacson bilang babala sa mga nangyayaring hacking activities na pinopondohan umano ng mga foreign governments.

“Mas nakakatakot ito kung iisipin. Ito eleksyon lang ito, lilipas ito. Let’s look beyond the May 12 election,” dagdag ni Lacson, na binanggit din ang pagdakip kamakailan ng mga taga-National Bureau of Investigation at Armed Forces of the Philippines sa ilang mga Intsik at Pinoy na pinaghihinalaang nagtitiktik sa Malacanang, Camp Aguinaldo, sa US Embassy at sa iba pang mga mahahalagang instalasyon ng gobyerno.

“Nahulihan ng mga equipment and then before that, mayroong nahuli din ‘yung CIDG (Criminal Investigation and Detection Group), ‘yung PNP, ‘yung IMSI (International Module Subscriber Identity) catcher. Meaning, cell site simulator. Ito’y nakaka-intercept ng mga messages sa mobile phones and other technical equipment,” aniya.

Nagpasalamat naman si Lacson kay re-electionist at kasamahan sa ‘Alyansa’ na si Senator Francis “Tol” Tolentino na nagsagawa ng Senate probe kaugnay sa mga aktibidad na ito ng paniniktik sa pamahalaan.

“Two hearings ang na-conduct niya, ang dami niyang na-reveal. Ang daming revelations na hindi natin dapat i-take lightly,” wika pa ni Lacson sa pinamunuang Senate investigation ni Tolentino.



Sa isinagawang imbestigasyon ni Tolentino ay natuklasang may mga hakbang na ginagawa ang bansang China para makisawsaw sa parating na halalan sa pamamagitan ng pagbabayad sa ilang pribadong kumpanya para pahinain at atakehin ang pamahalaan at ang ‘Alyansa’ slate sa pamamagitan ng mga maling impormasyon na ipinapakalat sa mga online sites.

”Noong November 8, 2024 pinirmahan ‘yong Maritime Zones Law; November 12, nagkaroon na ng order ang Chinese Embassy kung ano ‘yong gagawin. Umulan na po ng batikos, umulan na ng batikos sa akin,” sabi ni Tolentino.

Iginiit pa ni Tolentino na maging ilang Pangasinan officials ay biktima rin ng nga online attacks.

“Ganoon din sa Pangasinan, talamak ang trolls dito. ‘Yong gobernador niyo, ‘yong mga mayors niyo dito kung tamaan ng trolls ‘yong kanilang structure nagsisimula po sa Beijing pababa sa embassy tapos meron silang mga kumpanya , at meron silang sub-companies na nag-o-organize sa local,” patuloy ni Tolentino.

Sang-ayon naman si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo kay Tolentino at hinikayat ang mga botanteng Pilipino na ihalal ang mga pro-Filipino senatorial candidate.

Ani Tulfo, nais ng mga Tsino na isulong ang kandidatura ng mga pro-China candidates para ma-repeal ang Philippine Maritime Zones Law.

“So it’s up to us, it’s up to our people kung gusto nating mangyari ito na we have a Chinese controlled Senate and the House of Representatives controlled by China,” punto ni Tulfo.

Bahagi rin ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas slate sina former Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Ramon Bong Revilla, Senator Pia Cayetano, Senator Lito Lapid, former Senator Manny Pacquiao, Vicente “Tito” Sotto III at si Las Pinas Rep. Camille Villar. (CESAR MORALES)