Advertisers

Advertisers

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

0 3,766

Advertisers

Tablado kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee Marcos at Deputy Speaker Camille Villar kahit pa dati na silang inendorso ni Vice President Sara Duterte.

Ang sabi ng dating Pangulo, ang kandidato lang niya ay ang “Duter10.”



Ang gulo naman kasi ng mag-tatay at sino ba talaga kina Digong at Sara ang susundin ng mga tao nila? Ang ama na nakakulong sa The Hague o si Sara na nahaharap sa sangkaterbang isyu (kabilang na rito ang impeachment)?

Headless chicken na yata talaga ang oposisyon at tila kanya-kanya na ng galawan.

Maging si Senator Robin Padilla, ang PDP Laban president, ay nagsinget din ng pag-endorso kina ex-Senator Gringo Honasan, Senate Majority Leader Francis Tolentino, at maging kay Imee.

May balita-balita na nag-leave sa group chat si Robin dahil kinuyog siya ng mga kapartido niya dahil sa kanyang ginawang pag-endorso labas sa PDP Laban.

Ayon sa parehong abogado at PDP Laban senatorial candidates na sina Raul Lambino at Jimmy Bondoc, ang nominasyon at pag-endorso ng partido ay dumaan sa proseso kung kaya’t hindi katanggap-tanggap ang pag-entrada na lang basta ng iba.



Ang kaguluhan sa hanay ng oposisyon ay indikasyon lamang na wala nang tumitimon dito at wala nang nagbibigay rito ng iisang kumpas.

May mga nagsasabi nga na personal ang dahilan kung bakit namamakyaw ng mga ieendorsong kandidato si Sara. Ito’y dahil kailangan niya kasi ng numero sa Senado sa panahon ng impeachment trial. Nabuking ito ng mga tao at ngayon ay todo-denay siya rito.

Mukhang nagamit lang ni Sara sina Imee at Camille at mukhang hindi rin tatalab ang pag-endorso ng Bise Presidente sa nangungulelat na dalawa ngayong diniinan na ni Digong ang Duter10.

Saan na ngayon pupulutin sina Imee at Camille?