Advertisers

Advertisers

Walang Paalam? Pagkakabit ng poster ni Lino Cayetano ikinagalit sa Pateros

0 5

Advertisers

STA. ANA, PATEROS — Uminit ang ulo ng ilang residente matapos makita ang campaign posters ni Congressional candidate Lino Cayetano na idinikit umano nang walang abiso sa isang pribadong lugar sa Brgy. Sta. Ana.

Sa Facebook post ni netizen Reyzie Reyzie, binanatan ang kampo ni Cayetano dahil sa umano’y kakulangan sa pagrespeto: “Hindi yung dikit lang kayo ng dikit kahit saan nyo gusto magdikit!” aniya.

Makikita sa litrato ang dalawang campaign posters ni Cayetano na nakadikit sa pader na tila harapan ng isang bahay.



Hinamon pa ng netizen si Cayetano na disiplinahin ang kanyang mga tauhan at supporters: “Tama na ang ‘BIDA TAYO’… masyado kayong bida-bida, hindi marunong magpaalam.”

Una nang umani ng batikos mula sa mga environmental groups at netizens si Lino matapos kumalat ang mga larawan ng kanyang tarpaulin na ipinaskil sa mga puno sa ilang barangay sa Taguig. Ayon sa EcoWaste Coalition, malinaw itong paglabag sa Republic Act No. 3571 na nagbabawal sa anumang gawain na maaaring makasira sa mga puno sa pampublikong lugar.

Matatandaan na ibinasura ng Election Registration Board (ERB) ng Taguig ang petisyon ni Lino at ng kanyang asawa na si Fille na mailipat ang rehistro ng botante mula Barangay Fort Bonifacio (Second District) patungong Barangay Ususan (First District). Ayon sa ERB, kulang sa matibay na ebidensya ng tunay na paninirahan sa nasabing barangay ang mag-asawa.

Naglabas na din ng pinal na desisyon ang Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sa kasong ito. Iniutos ng RTC sa Comelec-Taguig Election Registration Board ang hindi pagsama sa pangalan ng mag-asawa sa opisyal na listahan ng botante ng Precinct 0926A sa Brgy. Ususan.

\Ang desisyon ng RTC ay final at executory, at ayon mismo sa desisyon ng korte: “No motion for reconsideration shall be entertained.”