Advertisers
Buong suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa “Build Better More” (BBM) infrastructure program ni Pangulong Ferdinand “PBBM” Marcos Jr., partikular sa mga proyektong kaugnay2 ng pagpapaunlad ng mga pantalan, na layuning magbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.
Kamakailan lamang ay pinasinayaan ni PBBM ang ?430.39-milyong Balingoan Port Expansion Project sa Misamis Oriental, na nagpapakita ng determinasyon ng pamahalaan na magtayo ng mga imprastrukturang inuuna ang kaginhawahan, seguridad, at pag-unlad ng mamamayan.
Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, “Ang pagpapalawak at modernisasyon ng ating mga pantalan ay hindi lamang para sa pagpapabuti ng transportasyon at kalakalan. Ito ay tungkol sa paglikha ng mga trabaho at pag-angat ng kabuhayan ng ating mga manggagawa.”
Binigyang-diin ng grupo na ang pagpapahusay sa mga pasilidad ng pantalan ay nagbubukas ng mas maraming aktibidad sa ekonomiya na makalilikha ng trabaho sa iba’t ibang sektor tulad ng logistics, turismo, at manufacturing. Dagdag pa rito, ang mas maayos na koneksyon sa pagitan ng mga isla ay susi sa mas mabilis na paggalaw ng produkto at tao, na mahalaga para sa pag-unlad ng mga rehiyon at paglikha ng kabuhayan.
Matatandaang bumisita rin si frst nominee Atty. Johanne Bautista kasama ang kanilang ka-TRABAHO advocate na si Melai Cantiveros-Francisco sa isang port sa Navotas upang makausap ang kapwa mga mangagagawa at namumuhanan tungkol sa pag-modernize ng nasabing pampublikong pasilidad.
Bilang 106 sa balota, malaki ang posibilidad na maisabatas ang mga repormang isinusulong ng TRABAHO partylist sa kongreso matapos nitong masungkit ang rank 16-18 na pwesto sa SWS survey na inilabas kahapon.