“TRABADO – Hanap Trabaho tuwing Sabado” inilunsad
Advertisers
INAANYAYAHAN nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang mga residente ng lungsod ng Maynila na naghahanap ng trabaho na bisitahin ang job fair na ilulunsad ng pamahalaang lokal sa Sabado April 26, 2025.
Tinawag na “TRABADO – Hanap Trabaho tuwing Sabado,” ang job fair ay pangangasiwaan ng Public Employment Service Office – City of Manila sa pamumuno ni Fernan Bermejo kung saan libong job vacancies ang naghihintay sa mga aplikante.
Gaganapin ang job fair dakong alas-10 ng umaga hanggang alas -2 ng hapon sa Barangay 374, Tambunting St., Sta. Cruz, Manila (District 3).
Ayon kay Bermejo ang nasabing tuloy-tuloy na job fairs ay nagsimula nang maupo si Lacuna bilang alkalde noong 2022.
Sa pamamagitan ng nilagdaan kasunduan sa pagitan ng mga probadong kumpanya, maging ang mga senior citizens at persons with disability ay binibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng trabaho.
Ipinaalala ng alkalde sa mga job applicants na magdala ng sariling ballpens, ilang kopya ng resume, payong, pamaypay at tubig at pumunta na naka- casual attire.
Pinayuhan din ng lady mayor ang mga aplikante na sumunod sa pinaiiral na minimum public health standards. (ANDI GARCIA)