Advertisers
BINIRO ni Vice President Sara Duterte si Senator Imee Marcos na magpalit na lamang ito ng apelyido.
Ginawa ni VP Sara ang pahayag ng kapwa sila dumalo sa campaign rally ng tumatakbong alkalde ng lungsod ng Maynila na si Isko Moreno.
Ayon kay VP Sara, dapat magpalit na lamang ng apelyido si Sen. Marcos subalit hindi naman binanggit kung ano ang ipapalit.
Matatandaang tinanggal si Sen. Marcos sa senatorial slate ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pagkontra ng senador sa pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.