Advertisers

Advertisers

Principal nagpahubad ng toga sa graduates, sinibak

0 9

Advertisers

Kinumpirma ng Ma-lacañang na tinanggal na sa tungkulin bilang principal at kontrobersyal na punong guro sa Col. Ruperto Abellon National School sa Antique.

Matatandaang nag-viral ang video ng nasabing principal habang pinapagalitan ang mga mag-aaral at pinahuhubad ang toga sa graduation ceremony.



“Dahil na rin po sa naging direktiba po ng Pangulo, agaran pong kumilos ang ating DepEd Sec. Sonny Angara,” aniya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Education (DepEd) ang agarang aksyon sa nasabing insidente.

Agad naman aniya itong inimbestigahan ng DepEd.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Castro na tinanggal lamang ang principal sa kanyang tungkulin at hindi ang lisensya niya bilang guro.

“Iyong license naman po niya ay hindi naman manggagaling sa pag-uutos ng Pangulo o ng DepEd secretary. Allowed pa rin po siyang mag-turo at siyempre titingnan pa rin po kung ano ba ang klase ng kaniyang behavior.”