Advertisers

Advertisers

Panghihimasok ng China sa eleksyon sa Mayo pinatutukan ni PBBM

0 3

Advertisers

NAKARATING na sa kaalaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ulat na umano’y tangkang pangingialam ng China sa nalalapit na midterm election.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, nababahala ang Palasyo sa ulat na ito kaya naman ipinag-utos na ng pangulo ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon para alamin ang katotohanan sa likod ng naturang ulat.

Hindi aniya hahayaan ni Pangulong Marcos na makompormiso ng ibang bansa ang proseso ng nalalapit na halalan.



Matatandaang inihayag ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya na tinatangka umano ng China na manghimasok sa nakatakdang halalan sa Mayo sa pamamagitan ng disinformation campaign at pagsuporta sa mga pinapaborang mga kandidato at tina-target ang mga kandidatong kontra sa China.

Ayon kay Castro, malalaman pa ang iba pang detalye tungkol dito sa sandaling matapos ang imbestigasyon ng mga awtoridad.