Advertisers
Biyaheng Vatican na sina Pang. Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Marcos para dumalo sa libing ni Pope Francis .
Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer USec Claire Castro.
Sinabi ni Castro walang magiging pre-departure honor sa pag alis ng Pangulo.
Hindi rin masabi ni Castro kung sinu sinong mga opisyal ang makakasama ng Pangulo sa kaniyang biyahe.
Hindi rin batid ni Castro kung sino ang magiging care taker ng bansa.
Gayunpaman ayon sa palace official, iaanunsiyo ito ng Palasyo bago bumiyahe ang pangulo.
Ayon kay Castro wala pa siyang ideya kung kailan makakabalik ng bansa ang Presidente at kung may ibang aktibidad pa ito sa Europa.
Si Pope Francis ay ililibing sa Basilica of St Mary Major.
” Mamayang gabi po ang pag-alis po ng first Couple, the funeral will be attended by the First Couple this Saturday, April 26 at iyon lamang po ang maibibigay kong detalye,” pahayag ni USec Castro.”
Gusto sana nating tanungin si Castro kung magkano naman ang aktuwal na guguguling halaga mula sa pera ng bayan sa biyaheng ito?
Ilan ang bilang ng buong entourage at kung sinu- sinong pribadong individual ang bitbit ni FL Liza Marcos.
Pati ba mga asawa ng mga cabinet officials ng administrasyong Marcos kasama rin?
Ayon sa impormante natin sa Palasyo,aabot ng mahigit 50 katao ang karay- karay ng mag- asawang Marcos sa biyaheng ito sa Europa.
Diyos ko pong mahabagin!
Ilang milyong dolyares na naman kaya ang susunugin sa “banal na biyaheng” ito?
Dapat transparent si Usec.Claire kung ilan ang bilang ng entourage ng mag- asawang Marcos at kung sinu- sino ang mga ito!
Dapat may total disclosure si Manang Clair dito.
Saan mararangyang hotel sa Europa titigil ang delegasyon ng mga balatkayong banal?
After all,pera ng taong bayan ang lulustayin dito.
Ang kakapal talaga ng face!
Alam na!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com