Advertisers

Advertisers

P30k tulong sa nawawalang balikbayan boxes, ikinatuwa

0 3

Advertisers

Itinuring ni #83 OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino na tagumpay para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang anunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na magbibigay ito ng P30,000 one-time financial aid bilang kompensasyon sa mga nawawalang balikbayan boxes, bunga ng kanyang inihaing panukala at mga hakbang simula pa noong 2022.

Ang hakbang ng DMW ay kasunod ng Technical Working Group (TWG) meeting na pinangunahan ni Magsino at DMW Secretary Hans Leo Cacdac. Tinalakay dito ang mga konkretong solusyon upang matiyak na makarating nang buo at ligtas ang balikbayan boxes sa kanilang mga benepisyaryo.

Noong 2022, inihain ni Magsino ang House Resolution No. 499 bilang tugon sa mga reklamo ng OFWs tungkol sa anomalya sa proseso ng Bureau of Customs (BOC) sa paghawak ng balikbayan boxes. Kabilang sa mga isyung ito ang anunsyo ng DMW noong Pebrero hinggil sa 9,000 kahong idineklarang abandoned at posibleng ipa-auction – isang desisyong mariing tinutulan ng OFWs.



Sa mga pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs na pinamumunuan din ni Magsino, lumutang ang mga reklamong gaya ng labis na singil, pagkaantala, at umano’y iligal na pagbebenta ng mga padala sa pribadong bidders.

Bilang pangmatagalang solusyon, itinatakda ng TWG ang pagbuo ng Joint Administrative Order (JAO) sa pagitan ng DMW, BOC, at Department of Trade and Industry (DTI) upang maglatag ng malinaw na pamantayan sa regulasyon ng cargo forwarders.