Miles Ocampo Pumirma Ng Exclusive Sa Triple A; Super Mahra Bongga Ang Strategy Sa Campaign; USWAG ILONGGO PARTYLIST GRAND RALLY May Libreng Concert
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
ANG taas ng energy at may aliw factor talaga itong multi talented star na si Miles Ocampo. Last Tuesday ay pumirma na ito ng exclusive contract sa Triple A o ALL ACCESS TO ARTISTS. Yes, tawang-tawa ang lahat sa mga pakikay ni Miles na may hirit pang feeling artista na siya at heto at may contract signing na siya sa Triple A with the big bosses of said talent management headed by Direk Michael B. Tuviera, Ma’am Jaqui L. Cara and Sir Jojo Oconer.
At bongga at aside sa Q & A with the invited entertainment press ay may one on one interview pa si Miles sa host ng kanyang intimate contract signing at mediacon na si DJ Jhaiho na kapansin-pansin na lalong gumaganda. Marami syempreng napag-usapan na may kaugnayan sa pinirmahang kontrata ni Miles sa Triple A. Actually, hindi na bago si Miles sa Triple A dahil parte ito ng pinagbidahang “Padyak Princess” last year sa TV 5.
Yes, ang APT Entertainment nina Direk Mike ang nag-produced ng comedy drama project ng comedienne- actress. Isa pala sa goal ni Miles na nabanggit sa event ay gusto niyang makapagsulat ng script sa APT Entertainment. Nag-aral kasi siya ng scriptwriting kay National Artist Ricky Lee. Sabi naman ni Ma’am Jaqui ay ico-consider nila ito. Labis pala ang pasasalamat ni Miles sa Triple A kina Direk Mike, Ma’am Jacqui at Sir Jojo. At swerte raw niya na sa dinami-dami ng mga artista ay napili siya ng mga ito na papirmahin ng kontrata. At promise niya ay gagawin niya nang maayos ang kanyang trabaho at magiging good girl siya. By the way, mainit pa lang winelcome ng mga Reyna ng Triple A na sina Marian Rivera, Maine Mendoza at Carla Abellana at iba pang Artists nito si Miles na kapamilya na nila. Super yummy pala ng mga food sa LOLA OTE, na venue ng mediacon ni Miles.
***
IBA rin talaga ang strategy ng tinatawag ng Mayora ng maraming Manilenyos na si Super Mahra Tamondong sa kanyang mga kampanya. Along with her is her Vice Mayor Remy Oyales and Councilors led by Ms. Sylvia Manansala. Yes, ayaw gumaya ni Super Mahra sa mga puro pasikat na mga kalaban na magagarbo ang entablado at may mga artistang kinukuha para makahakot ng crowd. Na ang kasunod nito kapag nakaupo na sa pwesto ay babawiin sa kaban ng bayan ang lahat ng nagastos sa kampanya. At tama ang paniniwala at ginagawa ng aming sinusuportahang mayoral candidate (Super Mahra) sa Maynila.
Na ang tunay na lakas ng kampanya ay hindi nasusukat sa halaga ng produksiyon kundi sa tunay na puso, tunay na pagmamalasakit, tapang, talino at tibay ng mamamayang Manileño, na handang ipaglaban ang tunay na pagbabago.
At lagi niyong kasama si Super Mahra, hindi para magpasikat o star-kundi para magsilbi sa lahat. Sang-ayon kami rito. Dapat inuuna ang kapakanan ng constituents, hindi ang sariling pang-interes. Sa campaign period na 45 days na nagsimula noong March 28 na magtatapos sa May 12 ay halos araw-araw na sinusuyod ni Super Mahra kasama ng buong team ang iba’t ibang distrito sa Maynila. Nangampanya ito sa mga palengke at napakinggan ni Super Mahra, ang hinaing ng mga vendor.
Ngayon ay patuloy ang house to house campaign ni Super Mahra at bawat puntahan nilang distrito o barangay ay maiinit ang pagtanggap sa kanya ng mga kababayan na kinakausap at kinakamayan ni Super Mahra at kinantahan pa nito ang may birthday. Parte rin ng kampanya nito ang pagtitipon sa ilang distrito na aside sa nailalahad ang kanyang mga plataporma ay may kantahan at sayawan pa. At nag-eenjoy talaga ang lahat ng mga dumalo. Nagbibigay pugay rin si Super Mahra sa mga minamahal niyang mga lola at lolo na mga nakakadaupang palad. Magtatapos na ngayong Mayo 10 ang kampanya dahil Election day na sa Mayo 12, 2025. Tandaan, Number 9 sa balota si Super Mahra Tamondong. At number 5 naman ang bise nito na si Remy Oyales.
***
MASAYA si Congressman Jojo Ang ng USWAG ILONGGO PARTY-LIST at parami ang kanyang supporters. At patuloy na lumalakas sa iba’t ibang survey. Well, aside sa malaking factor, ang kanilang endorser na si Alex Gonzaga ay ibinoboto ang USWAG ILONGGO ng mga Ilonggo at buong Western Visayas ay dahil nakita nila ang tunay at tapat na serbisyo ni Cong. Jojo na maraming proyektong nagawa sa iba’t ibang lugar sa Iloilo.
Mula pa noong 2022 hanggang taong kasalukuyan ay nakapagbigay sila ng tulong pinansiyal sa maraming Pamilya, nakapag-paaral ng libre sa maraming estudyante sa iba’t ibang schools, mga magsasaka at mangingisda na mga natulungan at suportahan. Gayundin ang non-stop na tulong medikal sa mga walang kakayahang bumili ng gamot at magpa-ospital. At bilang pasasalamat sa lahat ng mga Ilonggong suppporters, sa gaganaping Kalipayan Kag Kauswagan The Grand Rally ng Uswag Ilonggo ni Cong. Jojo ay may libre siyang pa concert na tatampukan ng endorser nilang si Alex Gonzaga kasama sina Bamboo, Kyle Echarri, Jed Madela, The Juans, Nextone at komedyanteng si Atak. Gaganapin ito ngayong April 26(Saturday) at 4:00 PM sa Gaisano Capital Iloilo Center sa Ninoy Aquino Avenue, Mandurriao, Iloilo City.
Yes, wala itong ticket selling at libre ito na handog nga ni Cong. Jojo Ang para sa lahat ng mga kababayan. Number 156 sa balota ang USWAG ILONGGO Party-list na Kampyon sa Serbisyo at dagdag boses niyo sa Serbisyo. ATON INI!