Advertisers

Advertisers

Kyline at Kobe hiwalay na pero ‘di naman umaming magdyowa

0 5

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA eulogy ni Direktor Joel Lamangan sa state necrological service para kay Nora Aunor na ginanap noong Martes ng umaga, nagbalik-tanaw ang naturang direktor tungkol sa unang pagsasama nila sa pelikula ni ate Guy.

Una raw silang nagkatrabaho sa 1976 film na Tatlong Taong Walang Diyos, na idinirek ng yumaong direktor na si Mario O’Hara.



Sabi ni Direk Joel,“Wala akong pangalan doon dahil bahagi lang ako ng PETA Kalinangan Ensemble.”

Sa pelikulang ‘yon, nasaksihan daw ni Direk Joel kung gaano ka-epektibo bilang aktres si ate Guy.

Kuwento niya, “Ang instruction ng director, habulin si Guy [nickname ni Nora] dahil puputulin ang buhok.

“Ako ang head nung mga hahabol kay Ate Guy. Tatlo, apat kaming lalaking hahabol sa kanya.”

Hindi raw nagawa ni Joel ang kanyang eksenang putulan ng buhok si Nora.



“Nung puputulan siya ng buhok, umiikot ang camera. Umiikot din kami sa kanya. May hawak kaming gunting,” kuwento ni Direk Joel.

“Pagdating sa akin, close-up, nakita ko ang mukha ni Ate Guy. Natulala ako.

“Sabi ni Mario, ‘Cut! Bakit hindi mo putulin ang buhok, Joel?’

“’E, kasi nakatitig sa akin si Ate Guy.’

“Namangha ako sa mata ni Ate Guy bilang aktor.

“Nung take two na, pinutol ko na ang buhok niya. Pero nakakamangha ang ekspresyon ni Ate Guy habang pinuputulan namin siya ng buhok.”

***

HINDI na nga maitatago na break na sina Kobe Paras at Kyline Alcantara. Patunay dito ang pag unfollow ng aktres kay Kobe sa kanyang Instagram, at sumunod namang nag-unfollow sa kanya si Kobe.

Nu’ng una ay dininay pa ng malalapit sa kanila ang nasabing break-up. Matatandaang sinabi ni Benjie Paras, na hindi ito totoo dahil nakasama pa nila si Kyline, samantalang ayon naman sa manager ng dalaga na si Manny Vallester ay hindi rin totoong break na ang dalawa. Baka may lovers quarrel lang daw ang mga ito at pinipilit namang maayos.

Pero sa puntong ito, tila tama ang mga faney na hindi naniwalang walang problema sina Kyline at Kobe. Ang sinasabing dahilan daw ay third party. Pero una nang nag-dinay ang babaeng inuugnay kay Kobe.

Ipinagtanggol naman ni Andre ang nakababatang kapatid laban sa mga bashers na nagsasabing playboy daw ang basketbolista, na walang direksyon ang buhay, at laging nagwawalwal sa mga party, kaya tama lang daw na hiwalayan ito ni Kyline.

Ayon kay Andre, natural lamang daw na mag happy-happy ang kapatid kung nasa loob ito ng isang bar. Ano raw ba ang dapat gawin kapag nasa isang party? Kasama raw nito ang mga kaibigan.

Naloloka naman ang iba, dahil hindi man lamang daw umabot sa puntong inamin nina Kylime at Kobe na magkarelasyon sila, pero ngayon ay balitang hiwalay na. Na laging nangyayari sa showbiz na walang aminan pero aamin lamang kapag hiwalay na.

Ang tanong, aamin na kaya sina Kobe at Kyline na talagang naging mag-jowa sila pero ngayon nga ay hiwalay na sila?

Sa ngayon ay pagtutuunan muna daw ni Kyline ang kanyang career. May upcoming serye siya sa Kapuso network kasama si Barbie Forteza.