Advertisers

Advertisers

Bong Go lalong tumibay, No. 1 sa Arkipelago Analytics poll

0 7

Advertisers

Patibay nang patibay si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang pangunguna sa pre-election survey, ilang linggo na lang bago ang 2025 midterm polls.

Sa pinakahuling senatorial preference survey na isinagawa ng Arkipelago Analytics mula Abril 7 hanggang 12, nakakuha si Senator Go ng pinakamataas na 64% voter preference, na naglagay sa kanya sa Rank 1 ng senatorial contenders.

Ang resultang ay kagaya rin ng iba’t ibang independiyenteng survey sa nakalipas na ilang buwan, nagpapahiwatig ng malalim na pagtitiwala at malakas na suporta ng publiko sa mga adbokasiya ni Senator Go, partikular sa kalusugan, kabataan, palakasan, katatagan sa kalamidad, at pagbibigay ng serbisyo sa grassroots.



“Nakawawala ng pagod tuwing nakikita ko ang mga kababayan natin. Sa inyo nanggagaling ang aking lakas at inspirasyon upang mas lalong pagbutihin ang aking paninilbihan sa aking kapwa Pilipino, lalo na sa mga mahihirap nating kababayan,” ani Senator Go.

“Sisikapin ko po na mas mailapit pa ang serbisyo ng gobyerno sa kapwa Pilipino lalo na pagdating sa serbisyong medikal para sa mga pasyenteng mahihirap,” idinagdag niya.

Matatandaan sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Marso 23 hanggang 29, nanguna rin si Go sa nakuhang 61.9 porsiyento ng mga botante.

Nagmarka ito ng tuluy-tuloy na pagtaas ng kanyang rating, mula noong Pebrero 2025 na 58.1 porsyento at sa pagitan ng pangalawa at pangatlong puwesto na 50.4 porsyento.

“Sipag, malasakit, at more serbisyo po — ito ang patuloy kong maiaalay sa inyo, mga kababayan ko,” paniniyak ni Go.



Sa hiwalay na senatorial preference survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) at kinomisyon ng Stratbase mula Abril 11 hanggang 15, muli siyang nanguna sa naitalang 45 porsiyento. Nagpapakita ito ng consistent upward trajectory mula sa 32 porsiyento noong Disyembre 2024, 37 porsiyento noong Enero 2025, 38 porsiyento noong Pebrero, at 42 porsiyento noong Marso.

Batay naman sa Pahayag 2025 First Quarter national survey ng Publicus Asia Inc. na isinagawa mula Marso 15 hanggang 20, nalagay si Go na No.1 sa aided awareness category na may 45 percent, gayundin sa unaided awareness category na may 17 percent.

Siya rin ang namayagpag at patuloy sa pagtaas sa Tugon ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Marso 18 hanggang 24 na 64 percent, 62 percent noong Pebrero at 58 percent noong Enero.

“Patuloy akong magseserbisyo sa inyo dahil bisyo ko ang magserbisyo at ako ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo ‘yan sa Panginoon, serbisyo ‘yan kay Allah,” idiniin ni Senator Go, na kilala sa tawag na “Mr. Malasakit”.