Advertisers

Advertisers

Bagsik ng survey

0 52

Advertisers

Naranasan na bang ma-hold-up na may nakatutok ng ‘di batid na gamit at sa isang iglap ng maling kilos ay maaaring humiwalay ang kaluluwa sa katawan. Nakakatakot ang maharap sa sitwasyong ‘di hawak ang kahihinatnan, higit buhay ang nakasalang sa peligro. Karaniwan ang pangamba sa sitwasyong ‘di hawak bagkus panganib na hinaharap na sa maling pasya. Ang panganib na nakaamba na kalakip ang takot ‘di lang sa isip higit kung may nakatutok na bagay na ‘di batid, ang bumigay o ibigay ang nais ng sino mang may gawa ng pangamba’y gagawin para sa kaayusan ng sarili. Samantala, ang magduda sa ‘di nakitang pangamba itinutok ano man ito, ang mainam na kilos ang ibigay ang nais para sa sariling kapakanan o kaligtasan.

Sa maraming pagkakataon, ang taong nasa bingit ng alanganin ang dapat mag-isip ng matiyak na ‘di malagay ang buhay sa panganib. Batid na madaling sabihin ngunit ang bawat nilikha’y may angking galing na nakapagpapasya ng mabilis sa pagkakataon na kailangang maisalba ang sarili. Walang duda na may tinatawag na “survival instinct” na magagawa ng mabilisan sa panahon na kailangan, ano man ang kalalabasan sa hinharap. Sa pagkakataon na ang ibig maisalba’y ang sarili sa hamon ng kaganapan, ang mabilisang pagpapasya’y nararapat at kadalasang tamang ang pasya ang nangingibabaw laban sa masamang magaganap sa hinaharap.

Karaniwan sa tao ang mabilisang pagpapasya o maging sa ibang nilalang at ang pagpapasya’y ‘di kailangan ng mga teorya o anong kaalaman, ang mabuhay sa sitwasyong kinakaharap ang batayan sa pasya para sa kinabukasan. Maraming mga ‘di hawak na sitwasyon na nakakaharap ngunit ang pagiging maingat sa bawat hakbang sa tinatahak ang tamang gawa ng ‘di mapariwara. Tunay na maraming dapat isa alang-alang sa pagpapasya higit ang kagalingan sa sarili ang nakataya at higit may mga kaibigan o kasamang ma-apektuhan ng pagpapasya. Sa totoo lang, maraming tao ang nanghihikayat sa sariling ibig ngunit ang pagpapasya’y tunay na nasa may katawan. Ang tamang pagpapasya na nilalakipan ng pag-iisip at dalangin ang bunga’y kagalingang pangmatagalan.



Sa pag-inog ng buhay napapansin ang pagdami ng mga gumagamit ng “gadget” na nakatali sa social media o media. Hinuhubog ang kaalaman nang ilan ang isip ng nakakarami na ang ibig nila’y siyang kagalingan. Sa pag-aanalisa ang mga bagay o taong naglalako ng sariling nais ang karaniwang may layon na maisahan at mapamunuan ang nakakarami. Maraming mga pagtatakip o panlililong impormasyon ang sinasaad na nagpapalambot sa tindig ng bawat magpapasya. Pansin ang mainam na paglalarawan ng kung sino o ano ngunit ang pakinabang na pangmadalian ang tinutuunan para sa sarili at ‘di sa nakakarami. Ilang beses o ulit ng naganap sa bansa higit sa mga halalan na ang pinaka magaling ang dinadampot sa putikan sa maling pagtangkilik sa kaisipan ng mga lilong bayaran.

Sa kaganapan sa nagaganap na pang-aakit ng mga bobotante, mapapansin ang mga nag-susurvey kuno na nangunguna ang kandidato na dala ng malaking lapian. Kapansin pansin na marami sa tinatawag na nasa mahika ng labing dalawa, karaniwan ang ngalan ng mga tumatakbo na kabilang sa grupo ng administrasyon. Walang paliwanag kung bakit nakapasok sa mahika ng 12, kahit tanaw ang kahinaan sa isip, sa salita at sa gawa. Sa katunayan silip ang maraming umaasam na galing sa mga pagkatalo sa huling halalan at muling magbabalik kahit may katandaan at walang nagawang marka bilang dating mga mambabatas. Nakakamangha at nagagawang malilo ang maraming bobotante ng mga manlililong survey group sa ibig na iboto sa nalalapit na halalan. Sa totoo lang, hindi makita ang galing sa mga talakayang nilalahukan ang kandidatong itinataas ang kamay ng adminstrasyon maging ang mga dating ibig bumalik. At sa mga bagong ibig magsilbi sa bayan kuno, ang manalo ang siyang nasa isip at sunod lang ang panukalang batas na ihahain.

Samantala, maraming napansing sa pagmamasid sa ibig na maging senador na ginagawa sa mga pamantasan sa buong bansa. Hindi makita ang ngalan ng 12 kandidato nasa mahika na nasa survey ng mga bayarang grupo na lumililo sa kaisipan ng manghahalal na Pinoy. Sa pagbabalik sa mga survey sa mga pamantasan, malinaw ang pili ng mga Kabataang nag-iisip, ang mga kandidatong de kalidad na batid ang mga titindigang isyu, batas na isusulong, at pawang sa kabutihan ng mamamayang Pilipino. Ang mga nakalap na datos ay ‘di survey, sa halip mga “mock election” na tuwirang paglalahad ng ibig ng mga Kabataan na maging kinatawan sa senado.

Sa pagtatasa, mabagsik ang resulta ng survey na hinuhubog ang kaisipan ng maraming Pinoy sa kung sino ang ibig. O’ sadyang maraming salapi ang itinatapon sa mga survey group upang dalhin ang grupong nagbibigay upang maipalabas kuno ang ibig ng Pinoy na kumatawan sa kanila sa bugok na kapulungan. Ang dami ng salapi na ginagamit sa panlililo ng mga bobotante ang resulta ng survey at ‘di ang ibig na kakatawan sa kagalingan ng Pinoy higit ang nasa laylayan ng lipunan. Samantala sa mga pamantasan na ginagawa ang mga mock election, alang bayaran at kusang ibig ang lumalabas maka-administrasyon o hindi.

Bayan tandaan, nahaharap ang bayan sa pagsubok at ang tamang pagpapasya ang inaasahan sa bawat manghahalal. Hindi mabilisan ang pagpapasyang gagawin at ang pag-isipan ang pasyang gagawin sa darating na halalan ang maghuhugis sa kinabukasan ng bayan. Hindi holdapan ang magaganap subalit masahol pa sa holdapan ang haharapin kung iluluklok ang bulok. Hindi lang pamumuno sa bansa ang ihahalal, marami sa ibig na mahalal ang mga kawatan at kilala sa kawalang alam. Ang masakit ang kapal ng mukha na pandarambong ang kagalingan at ang husay magkunwari sa harap ng bayan. Sa huli, isipin bayan na ang halagang gamit sa halalan ng mga lilo’y sinasakyan ng mga ibig kumurot sa pera ng bayan gamit ang false survey.



Mang Juan, mabagsik ang false survey na nagaganap upang hubugin ang isip ng mga bobotante kung sino ang mananalo. Ang maniwala sa sabi sabi tunay na walang bait sa sarili. Sa pagpapasya sa Mayo, ang tapat at karapat dapat ang ihalal at huwag ang mga mananayaw at mapagtapon ng mga bigay tulad ng ayuda. Mabagsik ang survey ngunit ang kagalingan ng nakakaraming manghahalal ang itataya para sa pagbabago ng bansa.

Maraming Salamat po!!!!