Advertisers

Advertisers

ALONG MALAPITAN, WALANG AWANG TINAMBAKAN MULI SI TRILLANES SA SWS SURVEY

0 8

Advertisers

Tiyak na ang muling pagkapanalo ng kasalukuyang Punong Lungsod ng Caloocan na si Mayor Along Malapitan ngayong nalalapit na eleksyon sa Mayo.

Ito ay kung pagbabasehan ang resulta ng pinakabagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong Abril kung saan 82% sa mga botante na tinanong ang nanatiling matatag ang suporta kay Malapitan.

Iniwanan ni Malapitan ang katunggali nitong si dating Senador Antonio Trillanes na nakakuha lamang ng 14% na voter’s preference



Ayon sa mga eksperto, kinokonsidera pa ring statiscally na kapareho ng resultang ito ang survey na isinagawa ng SWS noong Marso dahil sa tinatawag na ±3 na margin of error.

Kabilang sa mga itinuturong dahilan ng patuloy na suporta ng mga mamamayan ng Caloocan kay Malapitan ay ang pagtupad nito sa kanyang mga pangako at plataporma at ang tuloy-tuloy na pagbabago sa Caloocan.

Samantala, malaking dagok naman ang inabot ni Trillanes dahil sa mga kinasasangkutan nitong isyu at negatibong pananaw sa kanya ng mga tao.