Advertisers

Advertisers

3 paslit nalitson sa kandila

0 4

Advertisers

Nasawi ang tatlong paslit nang aksidenteng masunog ang kanilang bahay dahil umano sa kandila sa Calum-pit, Bulacan.

Sa report, nasa pagitan ng 1 taon gulang ang babae habang nasa 5 at 7 taong gulang ang kanyang mga kapatid na lalaking biktima at kapwa residente ng Brgy. Gatbuca.

Ayon sa report, nangyari ang insidenteng 11:00 ng gabi sa nasabing lugar.



Base sa impormasyon, posibleng kandila ang naging mitsa ng sunog na tumusta sa mga biktima dahil walang umanong kuryente ng mga oras na iyon.

Sinasabing umalis ang kanilang magulang para ma-kipaglamay sa patay sa kabilang barangay at iniwan ang magkakapatid na walang kamuwang-muwang nang lamunin ng apoy.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinagmulan ng sunog.