Advertisers
Timbog ang dalawang tulak ng high-grade marijuana nang kumagat sa ikinasang buy bust operationsa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ni Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) chief P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr. ang naaresto na sina alyas “Andrie”, 24; at alyas “Mark”, 22, kapwa residente ng Bagong Silang.
Sa ipinadalang ulat kay NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan, ikinasa ang buy bust operation, katuwang ang Caloocan Police Sub-Station 12, sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.
Nakumpiska ng mga operatiba ng DDEU sa mga suspek ang nasa 29 grams ng high-grade marijuana/kush at 950 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na umaabot lahat sa halagang P157,500.00 na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165( Comprehensive dangerous drugs act of 2002).(Beth Samson)