Advertisers

Advertisers

“Walang papalit kay Nora Aunor!” — Celia Rodriguez; Ogie binigyan ng tribute si Hajji

0 3

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya singer na si Hajji Alejandro.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi nito ang obituary card ni Hajji kalakip ang kanyang mensahe kung saan pinuri niya ang mga magagandang katangiang kanyang hinahangaan sa tinaguriang Kilabot ng mga Kolehiyala noong 70’s.



Mensahe ni Ogie,“Tito Hajji was just an amazing human being. He was friendly, always joking around, kind, accommodating and the supreme professional when it came to his art of singing.

“He was fondly called the original ‘Kilabot ng mga Kolehiyala’ and there is no doubt that all our hairs would stand with each note that he sang.”

Ibinahagi rin ni Ogie ang kanyang kalungkutan dahil isa na namang alagad ng sining ang lumisan.

Aniya, “These days have been just truly sad as we have all been mourning the loss of our music heroes.”

Nagpaabot rin si Ogie Alcasid ng kanyang pakikiramay sa pamilyang naulila ni Hajji.



“To Rachel, Barnie, Nino and the rest of the Alejandro Family, we send our deepest sympathies. We are thinking of you at this time and praying for your comfort from our Lord,” sey pa ng singer-actor.

Noong April 22 nang kumpirmahin ang pagkamatay ni Hajji sa edad na 70 matapos magkasakit ng colon cancer.

***

NAPANOOD namin sa TikTok ang isang video na kuha sa dating show ni Sharon Cuneta na The Sharon Cuneta Show na guest ng Megastar ang namayapang aktres na si Nora Aunor.

Dito ay nagkwento si Ate Guy na pinuntahan daw siya ni Sharon sa dating bahay niya sa Corinthean para imbitahan siya sa preview ng first movie nito na Dear Heart. Pero hindi raw niya naharap si Sharon dahil marami siyang iniisip that time na mga problema. At hindi rin daw siya nakapunta sa preview ng movie ng mommy ni KC Concepcion. Pero naihingi na raw niya ito ng tawad kay Sharon.

After ng pangyayaring ‘yun ay naging magkaibigan naman na ang dalawa. Kapag may big celebration si Sharon sa kanyang TSCST, tulad ng anniversary ng kanyang show, o birthday celebration niya ay laging guest niya si Ate Guy. At kapag may selebrasyon din si Ate Guy sa dati rin niyang musical variety show na Superstar, ay lagi ring present si Sharon.

At nu’ng namatay nga si Ate Guy ay isa si Sharon sa unang-unang nagpunta sa burol nito.

And speaking of Ate Guy, sa eulogy para sa kanya ng kaibigang si Celia Rodriguez ay sinabi nito na walang susunod na Superstar sa bansa. Tanging si ate Giy lang daw ang nag-iisang Superstar sa showbiz at walang maaaring pumalit dito. At wala rin daw pwedeng sumunod na National Artist for Film and Broadcas kay ate Guy. Bumili na lang daw ng sariling trophy ang gustong sumunod kay Ate Guy bilang National Artist.

Sa mga sinabing ito ni Miss Celia ay wala raw siyang pakialam kahit pa i-bash siya.