Advertisers

Advertisers

VM MONSOUR SURE WIN SA MAKATI CITY

0 2

Advertisers

PANAHON na para makabalik ang tunay na action man ng Lungsod Makati.

Ang dating champion national athlete, action star turned public servant na si Monsour Del Rosario ay patuloy na nananalaytay sa kanyang dugo ang tunay na hangaring magserbisyong muli sa mahal niyang ka-lungsod Makateños na hinahanap naman ang kanyang kalinga at malasakit noong siya’y naglingkod bilang Representante ng Makati halòs isang dekada na ang nakaraan.

Ngayon ay balik-aksyon sa political arena ang kampeon sa sports at public service bilang Vice Mayor to be ng balwarte niyang Makati katiket ni dating Senadora na ngayon ay aspiranteng Mayora na si Nancy Binay.



Si Monsour ay may resibo na sa serbisyo publiko.

Bagama’t isa siyang national figure ay wish niyang ang mapaglingkuran ang kanyang balwarteng Makati na alam niyang naghihintay. sa kanyang pagbabalik.

Kaya ang mga taga-Makati na na-budol daw ng isang KID ay makakaasa muli kay action MAN Monsour Del Rosario di ba Ka Dennis C.?

Patunay ang pagdagsa ng Makateños sa bawat campaign trail ng team NANCY-MONSOUR ay sure na blackbuster kahit na may mga pagtatangkang pigilan o masikil ng paastig na kabilang panig ang paglalahad ng kanilang plataporma para sa kapakanan ng kanilang konstituwenteng nagtitiwala at tiyak na magkakaloob ng mandato na pamunuan ang Makati City.

Of course, alam na ng katunggali lalo sa pagka-bise na may tulog sila kay MDR kaya gagamiit sila ng taktikang ‘color of money’.



Pero di mananaig ang kinang ng sàlapi kumpara sa ginintuang pusong magmahal at maglingkod sa ka-lungsod.

Iyan si VM Monsour na ka-tandem ng sure winner mayorable Nancy Binay.

Tunay na matalino ang mayoryang botante sa Makati.Ipapanalo nila ang may resibong action man Monsour kesa Totoy sa pinyahang namiyesta daw ng kayamanan.. They will surely select and separate MAN from KID…ABANGAN!