Advertisers

Advertisers

TROLL FARM NG CHINA VS. ‘PINAS, IBINUNYAG NI TOLENTINO

0 6

Advertisers

ISINIWALAT ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pagpondo ng China laban sa Pilipinas gamit ang isang troll farm para siraan hindi lamang ang mga personalidad na itinuturing na anti-China kundi maging ang gobyerno at ang buong bansa.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senate Special Committee on Admiralty and Maritime Zones, iprinisinta ni Tolentino ang kontrata ng Chinese Embassy sa Infinitus Marketing Solutions Incorporated para sa operasyon ng mga keyboard warriors na nilagdaan noong August 2023.

“Meron silang agreement. Ang trabaho ng InfinitUs is to provide keyboard warriors… Malamang itong keyboard warriors ay mga kababayan natin,” wika ni Tolentino habang inilalahad ang mga detalye ng nasabing kontrata.



Ipinakita rin ni Tolentino ang isang tseke na nagkakahalaga ng P930,000 na kabayaran ng Chinese Embassy sa korporasyon.

Ayon sa senador, ilan sa mga naging trabaho ng keyboard warriors na magkomento sa mga post at magpakalat ng mga impormasyon pabor sa China.

Ilan sa mga tinukoy ni Tolentino na aktibidad ng warriors o troll farms ay ang mga mga isyu o banat laban sa mga batas kaugnay sa West Philippine Sea gayundin ang mga banat kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

May mga operasyon din ang keyboard warriors laban kay Cong. Ace Barbers matapos maglabas umano ng mga pahayag labnan sa China.

Sinabi ni Tolentino na labis na nakababahala ang naturang operasyon ng keyboard warriors na mga nagpapanggap na mga lehitimong professionals o kaya naman ay mga estudyante, o ordinaryong mamamayan ng Pilipinas at naglalabas ng mga komento at impormasyon na nasasakyan at pinaniniwalaan na rin ng karamihan.



Giit ni Tolentino, hindi dapat magbulag-bulagan ang lahat laban sa pangungutya ng China na ang layunin na huwag payagan ang Pilipinas na magkaroon ng kakayahan na ipagtanggol ang ating teritoryo at soberanya.