Advertisers
Nagpaabot ng pakikidalamhati ang TRABAHO Partylist sa lahat ng mga Katoliko kasunod ng pagpanaw ni Santo Papa Francisco o Lolo Kiko (para sa mga Pilipino) nitong Lunes.
“We mourn the passing of Pope Francis”, maikling isinulat ng grupo sa kanilang 106 TRABAHO Party List Facebook page.
Kalakip ng nasabing mensahe ay ang larawan ng Santo Papa at sipi mula sa kanyang homily patungkol sa kabanalan ng trabaho bilang pinakaunang bokasyon ng tao.
Sa mga salita ni Papa Francisco, “Ito ang pinakaunang bokasyon ng tao: magtrabaho. At ito rin ang nagbibigay ng dignidad sa tao- siyang dignidad na naghahalintulad sa kanya sa Panginoon. Ang dignidad ng pagtatrabaho ay kabanalan.”
Ani ng TRABAHO, ang mga turo ng Santo Papa patungkol sa dignidad ng trabaho at importansiya ng katarungang panlipunan ay ang magsisilbing kanilang mga gabay.
Sa kasunod na mensahe ng tagapagsalita ng grupo na si Atty. Mitchell-David L. Espiritu, pumanaw man si Pope Francis ay mananatiling buhay ang kanyang mga nagawang trabaho na inilaan niya para sa mga mahihirap, marginalized, at mga manggagawa.
“We celebrate his life works dedicated to service for the poor, the marginalized, and the working class,” sabi ni Espiritu.
Naibahagi rin ni Espiritu na ang mga pinapahalagahan ng Santo Papa ay nakahanay sa mga adbokasiya ng kanilang grupo, particular na ang trabahong inklusibo at may dignidad, social protection para sa lahat, at pagkakapantay-pantay.
“His Holiness’ teachings embodied the very heart of our mission: to uplift the working life, eradicate in-work poverty, and build a society grounded in true equality. Like Pope Francis, we believe in a world where no one is left behind, especially not our workers, the poor, and the vulnerable,” tinuran ng abogado.
Habang inaalala ng mundo ang isang Santo Papa na inilapit ang Simbahan sa puso ng mga mamamayan, nakikiisa ang TRABAHO Partylist sa mga Katoliko pati na rin sa lahat ng sumusuporta sa mga ipinaglaban at itinuro ni Lolo Kiko.