Advertisers

Advertisers

Pinoy International Master Bersamina, sumegunda sa 22nd Bangkok Chess Club Open

0 4

Advertisers

WALANG talo si Filipino International Master Paulo Bersamina matapos niyang gapiin si Grandmaster Vitaliy Bernardskiy ng Ukraine sa loob ng 67 galaw gamit ang Sicilian Defense, Najdorf variation sa ika-9 at huling round ng 22nd Bangkok Chess Club Open 2025 na ginanap sa Royal Orchid Sheraton Riverside Hotel sa Bangkok, Thailand nitong Lunes, Abril 21, 2025.

Nagtapos si Bersamina na may kabuuang 7.5 puntos, kalahating puntos lamang ang pagitan sa kampeon na si Grandmaster Evgeny Romanov ng North Macedonia.

Tinalo ni Romanov si FIDE Master Ern Jie Anderson Ang ng Malaysia sa loob ng 38 galaw gamit ang Catalan Opening.



Samantala, nagtapos naman sa tabla si International Master Michael Concio Jr. laban kay Grandmaster Babu MR Lalit ng India sa loob ng 43 galaw ng Queen’s Pawn Game. Nagtapos siya na may 7.0 puntos at nakihati sa ikatlong puwesto, ngunit bumaba sa ikalimang puwesto matapos ang tie-break points.

Si Concio ang pangunahing manlalaro ng kilalang Dasmariñas Chess Academy na pinangungunahan ni Mayor Jenny Barzaga at Coach FIDE Master Roel Abelgas.

Nasa ika-16 na puwesto naman si FIDE Master Christian Gian Karlo Arca matapos matalo kay Grandmaster Nigel Short ng England, na gumamit ng Caro-Kann Defense.

Sa kabila ng pagkatalo, nakuha pa rin ni Arca ang kanyang ikatlong IM norm sa torneo at itinanghal bilang Top Junior.

“Masayang-masaya po ako sa pagkapanalo ko bilang runner-up dito sa Bangkok Chess Club Open 2025,”ani Bersamina na tubong Pasay City, na nagwagi rin sa Makruk o Thai Chess Tournament sa parehong lungsod. (Danny Simon)