Advertisers

Advertisers

PBBM at FL Liza bumiyahe pa-Vatican para dumalo sa libing ni Pope Francis

0 18

Advertisers

LUMIPAD patungong Vatican nitong Huwebes ng gabi sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Marcos para dumalo sa libing ni Pope Francis sa Sabado.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro, walang naging pre-departure honor sa pag-alis ng Pangulo kagabi.

Hindi rin masabi ni Castro kung sinu-sinong mga opisyal ang makakasama ng Pangulo sa kaniyang biyahe.



Ayon kay Castro wala pa siyang ideya kung kailan makakabalik ng bansa ang Presidente at kung may ibang aktibidad pa ito sa Europa.

Si Pope Francis ay ililibing sa Basilica of St. Mary Major.

Samantala, nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng mga caretaker ng bansa habang nasa Vatican ito sa Roma para dumalo sa libing ni Pope Francis.

Ayon kay Executive Secretaru Lucas Bersamin tatlo silang itinalagang caretaker ng bansa.

Makakasama ni Bersamin na maging caretaker sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">