Manila LGUs , barangays ilalagay sa half-mast ang Phil. flag mula April 24-26 bilang national day of mourning kay Pope Francis

Advertisers
ALINSUNOD sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ‘Period of National Mourning’ kaugnay sa pagpanaw ni Pope Francis, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na kaisa ang lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Maynila kabilang na ang Manila LGU offices at barangays, sa paglalagay ng watawat ng Pilipinas sa half-mast mula April 24 hanggang April 26, 2025.
Inanunsyo din ni Lacuna ang pagsasagawa ng special flag ceremony sa Manila City Hall sa Sabado ng umaga kung saan ilalagay ang watawat ng Pilipinas sa half-mast at ibaba naman ito paglubog ng araw sa hapon.
Sinabi ng alkalde na habang ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr at First Lady Liza Araneta Marcos ay nasa libing ni Pope Francis, kaisa nila ang Maynila at ang mga Filipino cardinals sa taimtim na pagdarasal.
“We pray for our beloved Pope Francis, who followed the will of God. Until just before the end, he called for peace in Gaza. He was still with us on Easter Sunday,” saad ni Lacuna.
Idinagdag pa nito na :”We in Manila will forever have our cherished memories of his papal visit and his audience with the youth at my alma mater, the University of Santo Tomas. May God grant the world a new pope who will carry the Catholic Church, Christianity and the world forward in faith, hope and love, as Pope Francis has done.”
SI Pope Francis ay pumanaw sa edad na 88 nitong Lunes dahil sa stroke at heart failure, kasunod ng pakikipagbuno sa sakit na bilateral pneumonia.
Gaganapin ang funeral service para kay Pope Francis sa Sabado, April 26, 10 a.m. oras sa Vatican, St. Peter’s Square, sa lilim ng Basilica. (ANDI GARCIA)