Advertisers

Advertisers

Madis wagi vs Chinese sa ITF J300 Kuching

0 2

Advertisers

DINAIG ni Philippine Tennis Academy player Tennnielle Madis ang Chinese Zhang-Qian Wei, 6-1, 6-3, Miyerkules Wednesday International Tennis Federation (ITF) J300 Kuching sa Sarawak Lawn Tennis Association court sa Malaysia.

Ang susunod niyang makakaharap ay ang No. 9 Russian Anastasia Lizunova, na nakakuha ng first-round by kasama ang No.1 Reina Goto at No. 2 Kanon Sawashiro ng Japan, No. 3 Maaya Rajeshwaran Revathi ng India, No. 4 Kamonwan Yodpetch ng Thailand, No. 5 Polina Kuharenko ng Belarus, No. 6 Renee Alame ng Australia, No. 7 Yuyao Li ng China at No. 8 Ada Kumru ng Turkey.

Sa doubles, makakalaban nina Madis at Australian partner Jizelle Sibai ang Japanese pair Yusuha Negishi at Riyo Yoshida.



Ang 17-year-old Madis, na lumaki sa M’lang, North Cotabato, ang kasalukuyang No.212 sa ITF Juniors singles rankings.

Nakaraang Linggo, Madis at Russian Alexandra Malova ay nabigo sa Australian siblings Renee at Rianna Alame, 1-6, 2-6, sa doubles final ng J200 event sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“I hope Tenny performs well, she’s a fighter, I know she’ll give her best in every match,” Wika ng dating Davis Cupper at SEA Games medalist Robert Angelo sa online interview.

Pagkatapos sa Kuching, Madis ay lalahok sa J300 Nonthaburi Closed Regional Championships na nakatakda sa Abril 28 hanggang Mayo 3 sa Thailand.

Inumpisahan ni Madis ang 2025 na may dalawang doubles titles sa United Arab Emirates nakaraang Enero.



Nakaraang Taon, humakot siya ng limang doubles titles,kabilang ang apat kasama ang PTA teammate Stefi Marithe Aludo sa Manila, China, Thailand at Sri Lanka.