Advertisers
ANG konlabe ay pagtitipon na binantayan at hindi maaaring pasukin. Sa maikli, isa itong huntahan na ikinandado. Pagtitipon ito ng Kolehiyo ng mga Kardinal upang pumili ng bagong obispo ng Roma na magiging Santo Papa na lider ng Simbahang Romana Catolica.
Mga kardinal, o prinsipe ng simbahan ang lumahok sa konklabe. Mula sa kanila, isa ang naluklok bilang obispo ng Roma – ang pangmundong pinuno ng Simbahang Katolika Romana. Ang mga hakbang sa pagpili ng bagong papa ay nakabalot sa ritwal na dumaan sa maraming siglo. Sa salitang konklabe, na ang ugat ng salita ay susi o pinid, “eka nga nakapinid ang kaganapan nito.
Sa pagpanaw ni Papa Francisco masasaksihan natin ang konklabe. Dahil ang pagkatao ni Papa Francisco ay banal, maging ang mga taong iba ang pananampalataya ay nalungkot sa pagpanaw niya. Patunay ito na ang kanyang kabaitan ay naging pamana, na kailanman hindi malilimutan. PAALAM PAPA FRANCISCO.
***
NAUUSO na ang paghingi ng asylum ng mga tulad ni Harry Roque, Sass Sasot atbp. Sa opinyon ng maliit na mamamahayag na ito, ang paglisan sa inang bansa upang humingi ng asilo ay kahinaan ng gulugod at kawalan ng gulugod; at (sa tulad ni Allan Troy), kawalan ng bayag o betlog.
Kapag sinabi na ika’y walang bayág, nangangahulugan na duwag ka. Kaya huwag ka mag-alala Jeffrey Celis, Harry Roque, Allan Troy; sa salitang Ingles, “you’re testicles are safe… Just wish for them good luck…”
***
ANG hiling ni Cardinal Ambo David sa mga Pinoy: Huwag pagsabungin ang mga cardinal. Hindi sila tandang na manok sa sabungan. Mainam na abiso ito na nakita ko sa post ni Ba Ipe! Sa napipintong konklabe bago ihirang ang bagong Santo Papa lmaging maliwanag sa atin ang tamang perspektibo, upang iwasan ang pagkalito.
Bagama’t natutuwa ang inyong abang lingkod sa makulay nating kultura kung saan ang sabong ay bahagi, paalala lang po na ng kongklabe ay hindi sabong at ang mga kardinal ay hindi mga tinare. Paalala lang po na ilagay sa tamang perspektibo ang lahat upang maiwasan magkaroon ng anumang kalituhan.
Laging tandaan, ang kristo, sa sabong, ang siyang mananaig. Ngunit sa pananampalataya, si Kristo, ang masusunod. Kasihan tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
Wika-Alamin:
PINID sarahan na magbubukas lamang sa pamamagitan ng susi. Sa salitang Ingles ito ay PADLOCK. Kapag ginamit ito sa salita: “Huwag mo na akong udiyukin na umibig muli dahil ang puso ko ay naka PINID na.
***
mackoyv@gmail.com