Advertisers
Dapat wala ni isa ay iiwan o lalaktawan: iboto na ang buong tiket ng mga kandidato ng Yorme’s Choice.
Yes, ang nagbabalik na si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay may pakiusap, ipinakiusap niya sa isang paskil sa kanyang Facebook account ang kahalagahan ng pagkakaisa.
Sure winner na si Isko, walang duda, kasi nga, kahit ano pang paninira, black propaganda ng kanyang mga kalaban, batay sa lahat ng survey, maging sa buhos ng mga supporter sa kanyang miting, motorcade, kampanya at house-to-house, malinaw ang mensahe ng Manilenyo: Babalik si Yorme Isko, at hindi na makababalik pa ang Ate sa City Hall, lalong hindi ang nagpapanggap na “bagong mukha” raw na kandidato.
Sa paskil ni Yorme, hiningi, iboto ang kanyang vice mayor na si Chi-Chi Atienza, anim (6) na kongresista at lahat ng kandidatong konsehal.
“I cannot do it alone. Kailangan ko po ng mga makakatulong at makakasama para ibangon muli ang Maynila. Makikisuyo po, huwag niyo na pong paghiwalayin ang buong Yorme’s Choice — mula mayor, vice mayor, anim na kongresista ng ating distrito at mga konsehal natin,” sabi ni Yorme.
Tama siya, para kumpletos rekados na.
“Magkaisa po ulit tayo para sa mas mabilis na pag-unlad ng ating mahal na lungsod,” sabi ni Isko para nga naman, sama-sama, muling aayusin nila ang Maynila.
Kung ano ang ginawa niya noong s 2019–2022, gagawin ni Isko at ng buong Yorme’s Choice — tulad noong linisin at pagandahin ang maruruming pook negosyo, tulad ng Divisoria, mga palengke; paglilinis ng Lagusnilad Underpass, ang kahabaan ng Taft Avenue at Kalaw Street.
Kung mananalo at halos tiyak na nga, ipinangako ni Isko na tatanggalin niya ang libag ng siyudad.
“Muli nating gagawing maaliwalas ang Maynila, kakaliwitin natin ang mga tolongges, ang mga isnatser, mga drug user at ating muling sisimulan ang basic needs ng Batang Maynila,” sabi ni Yorme Isko.
Pabahay, ito ay muli niyang uumpisahan, tulad ng itinayong Tondominium at Binondominiu; sa Edukasyon, magtatayo uli ng tulad ng 10 palapag na public school na de-air condition na maginhawang nag-aaral ang mga estudyante ng Manila Science High School at ng Rosauro Almario Elementary School.
May makagagaya kaya sa naipakitang bilis-kilos ng pamahalaang Moreno noong kabagsikan ng COVID-19 pandemic, wala yata, tanging si Yorme lang ang nakaisip at nagawang maitayo ang COVID-19 Field Hospital na natapos lamang sa loob ng 52 araw!
Dahil dito, libo-libong buhay ang nailigtas sa pandemya, kasama rito angg 24/7 testing and vaccination drives.
At dahil mahina ang negosyo, marami ang hindi makapaghanapbuhay na Manilenyo, agad-agad sinimulan niya ang pag-eempake at pamimigay ng foodbox sa mahigit na 700,000 pamilya.
Nailigtas na sa pagkakasakit, naisalba pa ng mga programang ito ang mahihirap na Manilenyo at Batang Maynila sa pagkagutom.
Dahil sa matagumpay na bilis-kilos noong pandemya, maging taga-ibang lugar na kababayan ay sa Maynila nagpapagamot, nagpapainiksyon ng bakuna kontra-COVID, at maaalala, ang ibang LGUs na kapos sa bakuna at mga gamot, hindi nagkait ng kalinga si Yorme sa mga kababayan.
Libreng bakuna at gamot ay buong pusong ibinigay niya.
Tatak ito ng isang mahusay na lider sa panahon ng emergency — maaksiyon sa paglutas sa mga problema na nagligtas ng maraming buhay ng Pilipino.
Hanggang sa matapos ang kanyang termino bilang alkalde, todo ang benepisyo na tinatanggap ng mga Lola at Lolo, ang mga solo parents, mga may kapansanan, at ang mga estudyante ay hindi lamang alawans ang tinatanggap kungdi pati ang mga gadyets, laptop at mga school bags para sa maginhawang pag-aaral.
Eto pa: ipinatayo at kinumpleto ang unang Islamic cemetery para sa mga kapatid na Muslim.
Upang matiyak ang mabilis na aksyon sa reporma at pagbabagong gagawin sa CityHall, kailangan nga na ang buong tiket ng Yorme’s Choice ay suportahan.
At ang pangako ni Yorme Isko noon na pagbabago, uulitin, gagawing muli upang maibalik ang nawalang glorya ng Maynila.
Walang dapat maiwan sa pagboto, pakiusap ni Yorme, aniya: “When we fail, babangon kami agad. When we succeed, we will innovate, we will make it further, and reach more. Nobody will be left behind.”
Sa pagbabalik ni Yorme sa Cityhall, kasama si Vice Mayor Chi Atienza, ang buong Sangguniang Panlungsod at anim na kongresista, tiyak na magniningning uli ang Maynila.
Sa Mayo 12, itodo-buhos na ang panalo, dahil ang higit na makikinabang ay ang Manilenyo, sina Lolo at Lola, mga estudyante, solo parents, PWDs at ang lahat ng Batang Maynila.
Magbabalik na ang matinong pamahalaan, at madarama na uli ang gobyerno ng Maynila.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.