Advertisers

Advertisers

Alexa inokray ang Ingles ni Dustin

0 4

Advertisers

Ni Archie Liao

TALK of the town ang naging usapan nina Dustin Yu at Bianca de Vera sa Bahay ni Kuya kung saan pareho silang housemates sa PBB Collab edition.

For the time being kasi na nagkasama sila sa PBB ay nagkakapaan pa rin sila.



Sey pa ni Dustin kay Bianca: “Gusto pa kita makilala outside, mas deeper.”

Sa isang thread, nagkomento naman ang isang netizen na may handle na Mobi sa sinabi ni Dustin :”Alexa llacad be like:

“It’s just deeper–using?mas’ would make it incorrect since ‘deeper’ is already a comparative form.”

Hindi naman napigilan ni Alexa na mag-react sa sinabi ng netizen kung saan inokray niya rin ang grammar ni Dustin.

Sey niya: “My exact thoughts! hahahaha”



Ito naman ang samu’t saring reaksyon ng netizens sa pang-ookray ni Alexa sa Ingles ni Dustin.
“Perfectionist girl wag masyado awww .” “Ahahaha”
“Super duper”
“Grammar checker talaga ‘yang si Alexa hahahahaha. I remember her during their PBB days.”
*Big deal perfect ksi si ate nyo??????”
“nakaka tawkowt na talaga sha HAHAHAHAHA ??”
“Filipino be like heheheheheheehhe. Punta kau sa arab country at ng masubukan po ang mga english carabao ntin dto hahahahahahahhahahahahha just saying lng ”
“Liit na bagay pinapalaki jusko HAHAHA ?? apaka perfect ? ??”
“Sorry na ang perfect mo naman alexa ” hahhahaa”
“Grammarian yan si Alexa”
“Over naman sa redundancy”
“grammar checker ??”

***

Aabot sa 70,000 na pelikula at TV materials, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB sa unang Quarter ng 2025

AABOT sa halos 70,000 pelikula, telebisyon at publicity materials ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula Enero hanggang Marso 2025.

Mas malaki ito kumpara sa 59,095 na materyal na binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Ahensya sa parehong panahon noong 2024.

Batay sa datos, ang 68,953 ay mula sa TV programs, plugs at trailers; 159 ay mga pelikula (lokal, independent at internasyonal), habang 118 naman ang trailers. Nirebyu din ng Board ang aabot sa 413 na publicity at optical media materials.

Sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin at proseso ng pagrerebyu, ang MTRCB, sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio, ay nananatili ang dedikasyon na maisulong ang responsableng panonood.

“Parte ito ng pagsisikap ng Board na matiyak na ang lahat ng pelikula at programa sa telebisyon ay mabibigyan ng angkop na klasipikasyon batay sa Presidential Decree (PD) No. 1986, ang batas na basehan sa pagrerebyu ng mga materyal,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng 31 Board Members para masiguro na ang lahat ng materyal ang may angkop na klasipikasyon,” dagdag niya.

Sa patuloy na paglago ng media sa bansa, patuloy din ang pagpapa-igting ng MTRCB sa kampanya nito tungo sa “Responsableng Panonood” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng konsultasyon sa mga stakeholders, aktibidad at iba’t ibang inisyatiba.

“Atin pong tinitiyak na ang Board ay mananatiling dedikado sa pagtitiyak na ang bawat pamilyang Pilipino ay ligtas mula sa mapanganib na palabas at magkaroon ng komportableng panonood,” sabi ni Sotto-Antonio.

Idiniin din niya ang prayoridad ng MTRCB na protektahan ang kabataang Pilipino mula sa mapanganib na content na posibleng makaapekto sa kanilang pag-iisip.