Advertisers
Iniimbestigahan ang 10 pulis sa hindi pagdeklara sa nakumpiskang mga hinihinalang dahon ng marijuana sa isang police operation, ayon sa Quezon City Police District nitong Miyerkoles, Abril 23.
Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Unit ang apat na tauhan ng Police Station 14 habang nakalaya pa ang anim na pulis.
Ang mga sangkot isang tenyente, dalawang master sergeans, dalawang staff sergeant, dalawang corporal at tatlong patrolman.
Naganap umano ang operasyon sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City 2:10 ng madaling araw noong Abril 12.
Limang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Police Station 14 dahil sa ilegal na sugal.
Sa isinagawang validation, nadiskubre ang isang handbag na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana at narekober sa operasyon.
Ngunit tinanggal umano sa spot report ng operasyon ang mga nakumpiskang hinihinalang dahon ng marijuana at hindi itinurn-over sa Forensic Group.