Advertisers

Advertisers

Takbong mayor natagpuang patay sa loob ng bahay

0 4

Advertisers

Natagpuang patay sa ang isang kumakandidatong mayor Zamboanga City sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Guiwan noong Martes, Abril 22, 2025.

Kinilala ang biktina na si Orlando San Luis Negrete, 80-anyos, mayoral candidate at chairman ng Zamboanga Militia.

Sa report, natagpuan ang katawan ni Negrete na nakaupo sa garahe ng kanyang bahay ng isang kasamahan sa milisya nang hindi ito sumagot sa mga tawag mula sa mga miyembro ng milisya.



Dahil dito, nagdesisyon silang pumunta sa kanyang bahay upang alamin ang kanyang kalagayan.

Si Negrete, na may altapresyon, pinaniniwalaang namatay ng mga natural na sanhi ilang araw bago ito matagpuan.

Tumatakbo si Negrete bilang isang independent na kandidato para mayor sa nalalapit na halalan.