Advertisers

Advertisers

Ret. CA Justice, sangkot sa pagpatay sa isang abogado, kinasuhan

0 7

Advertisers

Inihayag ng Korte Suprema na pormal nang sinampahan ng kasong gross misconduct si retired Court of Appeals Justice Isaias P. Dicdican kaugnay sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Atty. Joey Luis Wee noong Nobyembre 2020 sa Cebu City.

Inendorso na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso sa Cebu City Prosecutors Office, base sa memorandum ni Court Administrator Raul Villanueva.

Sinabi ni SC spokesperson Camille Sue Mae Ting na inatasan ng SC si Justice Dicdican na magsumite ng tugon ng hindi lalampas sa sampung (10) araw mula sa araw na matanggap ang abiso.



Pinamunuan ni Dicdian ang CA 19th Division sa Cebu at nagsilbi rin sa probinsya bilang isang Regional Trial Court judge.

Samantala, pinaboran din ng Korte Suprema ang tatlong barangay sa Baguio City na magdaos ng bingo games bilang fundraising projects.

Sa botong 11-4, pinagtibay ng SC na hindi kailangan ng barangay na kumuha ng permit mula sa PAGCOR o alinmang ahensya, dahil ito ay sakop ng kanilang lokal na awtonomiya.

Ayon sa korte suprema ang buong desisyon ay ilalathala sa SC website sa mga susunod na araw at bukas sa publiko. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">