Advertisers

Advertisers

Rep. Tulfo inendorso sa pagka-Senador ng mga Kabalen!

0 7

Advertisers

Opisyal nang inendorso ng mga pinuno ng Pampanga si Erwin Tulfo sa pagka-Senador ngayong darating na eleksyon sa Mayo.

Ang Pampanga ay maituturing na “vote-rich” dahil sa 1.67 milyong rehistradong botante dito.

Nitong Miyerkules, bumisita si Tulfo at ang buong Alyansa para sa Bagong Pilipinas slate sa Clark, Angeles City, at San Fernando. Dito, opisyal siyang inendorso ni Pampanga Vice Governor at Gubernatorial Candidate Lilia “Nanay” Pineda bilang numero unong Senador sa kanilang lalawigan.



“Si Erwin Tulfo ang numero unong Senador dito sa Pampanga dahil napakarami niyang naitulong sa ating lalawigan—mula pa noong naging Sekretarya siya ng Department of Social Welfare and Development hanggang ngayon.

Buong-buo ang suporta ng mga Kapampangan sa kanya, at dadalhin siya sa Senado,” ani Nanay Pineda.

Bukod kay Nanay Pineda, nagpahayag rin ng matibay na suporta sina Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda, Congressman Carmelo “Jon” Lazatin II, Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., Magalang Mayor Malu Paras-Lacson, Porac Mayor Francis Tamayo, Arayat Mayor Madir Alejandrino, Apalit Mayor Jun Tetangco, Angeles City Vice Mayor Vicky Vega-Cabigting, at ang mga Board Members ng Pampanga.

Kasama rin sa mga opisyal na nag-endorso kay Tulfo sina Floridablanca Mayor Darwin Manalansan, Guagua Mayor Tonton Torres, Lubao Mayor Esmie Pineda, Sasmuan Mayor Catalina Cabrera-Bagasina, Santa Rita Mayor Arthur Salalila, Bacolor Mayor Eduardo G. Datu, Santa Ana Mayor Norberto Gamboa, Pampanga Fourth District Congresswoman Anna York Bondoc-Sagum, Apalit Mayor June Tetangco, Candaba Mayor Rene Maglanque, Macabebe Mayor Leonardo Flores, Masantol Mayor Jose Antonio Bustos, Minalin Mayor Philip Naguit, San Luis Mayor Jayson Sagum, San Simon Mayor JP Punsalan, at Santo Tomas Mayor John Samo.

Mainit din ang naging pagtanggap ng mga Kapampangan kay Tulfo sa bawat lugar na kanyang pinuntahan sa lalawigan.



“Sa lahat ng mga lalawigang pinuntahan ko, dito sa Pampanga ko lagi nararanasan ang napakainit na pagtanggap.

Kaya maraming-maraming salamat po sa inyong mainit na suporta sa akin at sa mga kasama sa Alyansa,” pasasalamat ni Tulfo sa kanyang mga tagasuporta.

Binigyang-diin din ni Tulfo na mas paiigtingin pa niya ang pagbibigay ng tulong sa Pampanga sa pamamagitan ng mga proyekto at programang tunay na makatutulong sa mga mamamayan ng lalawigan. (Cesar Barquilla)