Advertisers

Advertisers

Para wag silang mag-alala… Lotlot inihayag, Nora itinatago ang iniindang sakit

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NAGPAHAYAG si Lotlot de Leon ng mga kaganapan ilang araw bago pumanaw ang ina niyang National Artist na si Nora Aunor.

“Sa lahat ng pagkakataon na masama ang pakiramdam niyan o may iniinda, hindi talaga ipinaparating sa amin.



“So, pag nalalaman ko, ako ang naghahanap sa doktor niya para makausap namin.

“Tapos, I call for a family meeting, I call my siblings, ‘Eto ang sitwasyon, eto si Mommy, eto ang nangyayari ngayon.’

“Kasi kung si Mommy lang ho talaga, hindi talaga siya nagsasabi sa amin. So, we always find out from other people.

“Kahit kumustahin namin siya, ‘Ma, kumusta ka?’ Ang lagi lang niyang sagot, ‘Okay ako. Huwag mo akong alalahanin, Anak.'”

Ginagawa ni Lotlot ang lahat upang makakuha ng recent updates tungkol sa Superstar at sa kalagayan nito mula sa doktor nito.



“So yung huli naming pag-uusap, Tito Boy, meron akong doktor na tinawagan na kinukulit.

“Na nagagalit ako, ‘Include us, kasi kami yung mga anak. Isama ninyo kami sa kung anong nangyayari para kung meron kaming maitulong, e, magawan din namin ng paraan.’

“E, nakarating po kay Mommy yon. So, si Mommy, minessage ako. Sabi niya ulit, ‘Anak, okay ako.’

“Sabi niya, ‘Sinabi sa akin ni Doktora, gusto mo siyang makausap. Huwag ka nang mag-alala sa akin, Anak. Kaya ko.'”

Inihayag ni Lotlot ang bilin sa kanya ni Nora….

“And then sabi niya, ‘Basta yung mga apo ko, proud na proud ako sa kanila. Mahal na mahal ko kayo. Mahal ko kayo ng mga kapatid mo.’

“Sabi ko, siyempre po. Kami na yata ang pinaka-masunurin na mga anak, sa totoo lang. Kung ano po ang sinabi ni Mommy, yun lang din talaga ang sinusunod namin.

“So, kung may pagkakataon po na makasingit kami at para makaalam ng mga detalye, ginagawa talaga namin and we let each other know.

“So, ganoon po talaga. That’s how our life was when mom was with us.”
Wala nang nagagawa si Lotlot kundi sundin ang nais ng ina.

“So, nung nag-usap kami ng huli, sabi ko, ‘Okay Ma, I respect your wishes,’ kasi ayoko rin na magalit siya sa amin dahil alam niya na makulit ako, e.

“Kinukulit ko yung mga doktor niya. Kinukulit ko kung sino ang kailangan kulitin para malaman kung ano ang nangyayari sa kanya,” kuwento ni Lotlot.

Naganap ang pagbabahagi ni Lotlot sa live episode ng Fast Talk with Boy Abunda mismong sa The Heritage Chapels sa huling araw ng lamay para sa Superstar.

At sa pagtatapos ng kanilang panayam, may sinabi si Lotlot kay Kuya Boy…

“Tito Boy, before you end, I just want you to know that Mommy loves you very much. Mahal na mahal ka niya. Alam ko yun.

“And from our family to you, Tito Boy, salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay mo kay Mommy,” winika pa ni Lotlot na naging dahilan upang maging emosyonal si Kuya Boy at humagulgol ng iyak.

At lahad ni Kuya Boy, “Sabi ko nga bago mag-umpisa ang show na ito, sabi ko, “This is one show I…

“Kaya sa sambayanang Pilipino, maraming salamat po, on behalf of the children, and behalf of everybody who loved her and continue to love her, the only way to love your mother, the only way to understand the great Nora Aunor was to love her,” umiiyak pa ring sinabi ni Kuya Boy na niyakap nang mahigpit.