Advertisers

Advertisers

P20 kilo ng bigas tulak ni PBBM

0 2

Advertisers

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na maglatag ng mga hakbang para maipagpatuloy ang “P20 program” o pagbebenta ng P20 na kada kilo ng bigas hanggang 2028.

Pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, sa inisyal na plano, ipatutupad ang programa hanggang December 2025 o February 2026.

Nasa P3.5 bilyon hanggang P4.5 bilyon ang guguguling pondo ng pamahalaan para sa subsidiya sa murang bigas depende sa run rate.



Pero bilin aniya ng pangulo na ipatupad ang programa hanggang sa pagtatapos ng kaniyang termino.

Sinabi pa ng kalihim, noong isang taon pa aniya planong ipatupad ito pero hindi kaya ng pamahalaan ang subidiya para dito dahil mataas talaga ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan.

Pero ngayon sabi ni Laurel, bumaba na ang road market prices kaya mas magaan na ang subsidyang ilalaan para sa programa.

VP Sara duda sa kalidad ng P20 per kilo ng bigas ng administrasyon                                                       

MAY hinala si Vice President Sara Duterte na hindi maganda ang kalidad ng bente pesos kada kilo ng bigas na ibebenta ng administrasyon sa Visayas.



Ayon kay VP Sara, duda siya na hindi kayang sikmurain ng tao ang ibebentang bigas ng pamahalaan sa mga Pilipino.

May kutob din si VP Sara na tagilid ang mga kandidato ng administrasyon kaya kasabay ng pagbebenta ng bente pesos na bigas sa Visayas ang pagpupulong ng administrasyon sa mga gubernador sa Visayas.

Nagbabala rin ang pangalawang pangulo sa mga panibagong pambubudol na aniya’y ginagawa ngayon ng administrasyon.