Advertisers

Advertisers

Mainit na panahon patuloy na mararanasan sa mga susunod na 2-3 araw

0 2

Advertisers

MAKARARANAS pa rin ng mainit na panahon na may kaunting tiyansa ng pag-ulan sa mga susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Sinabi ni state weather specialist Loriedin dela Cruz-Galicia, bagama’t makaka-ranas ng maaliwalas na kalangitan sa karamihan ng mga lugar sa Luzon at Visayas, makakaapekto naman sa ilang parte ng Mindanao partikular na sa timog na bahagi nito ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Inaasahan na magdadala ito ng light to moderate rain showers sa Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Davao Oriental, Davao Occidental, Sarangani, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi sa susunod na 24 oras.



Makakaranas naman ang nalalabing parte ng Mindanao ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang localized rain showers.

Samantala, wala namang malawakang pag-ulan o localized thunderstorms ang inaasahan sa Luzon at Visayas dahil sa umiiral na easterlies.

Batay din sa forecast, mahigit 20 lugar ang posibleng makapagtala ng heat index na nasa danger category na pumapalo mula 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius sa sunod na dalawang araw.