Advertisers
Nasawi ang 50-anyos na barangay kagawad nang umawat sa gulo nang ssaksakin ng salarin na diumano’y nambastos ng isang tindera sa New Lucena, Iloilo.
Ang insidente, na kuha sa video, nagpapakita ng isang lalaki na tinatakbuhan ng dalawang iba pang lalaki, isa sa kanila may dalang kutsilyo.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nambastos ang salarin ng isang tindera kaya’t kinompronta siya ng mga tindera.
Sa kasagsagan ng kaguluhan, rumesponde ang barangay kagawad ngunit siya ay sinaksak sa tiyan.
Sinabi ng 36-anyos na dalarin na hindi niya intensyong mapatay ang biktima at tinulungan siya ng ibang tao. Nahaharap sa kasong homicide ang naarestong salarin.