Advertisers

Advertisers

Ilang local candidates inisyuhan ng show cause order ng Comelec dahil sa ‘vote buying’

0 3

Advertisers

NAG-ISYU muli ng show cause order ang Committee on Kontra Bigay ng Commission on Elections (Comelec) sa ilang local candidates na tumatakbo ngayong midterm elections.

Kabilang dito sina Bulalacao, Oriental Mindoro Vice Mayoral Candidate Edna Villas; Bulalacao, Mayoral Candidate Ernillo Villas; Nueva Ecija Rep. Emeng Pascual at Palawan 3rd District congressional candidate Abraham Mitra.

Sinilbihan ng show cause order si Mitra dahil sa pamimigay ng libreng ticket para sa block screening, habang kasamang namahagi ng tig-dalawang libong piso sina Ernillo at Edna Villas ng Bulalacao sa mga residente ng isang barangay roon.



Nasilip naman ang pangangako ni Pascual sa ilang mga botante ng tulong pinansiyal at pagbabayad sa medical expenses ng ilang indibidwal kapalit umano ng suporta sa darating na halalan.

Batay sa show cause order, may tatlong araw ang mga ito para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat maharap sa election offense o patawan ng disqualification petition.

Sakaling mabigo ang mga ito na maghain ng sagot ay mawawalan na rin sila ng karapatang pakinggan at susunod na ang paghahain ng nararapat na reklamo laban sa kanila.