Advertisers

Advertisers

European Union nagpadala ng 200 observers para sa PH 2025 midterm elections

0 9

Advertisers

NAGPADALA ang European Union (EU) ng halos 200 observers para sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.

Ayon sa EU Election Observation Mission na pinangunahan ni chief observer Marta Temido, ang kanilang mandato ay para i-assess ang proseso ng halalan sa Pilipinas at kung tumatalima ito sa konstitusyon ng bansa at sa international standards.

Nauna ng ipinadala ang kabuuang 72 observers habang nakatakda namang dumating sa ating bansa ang karagdagang mahigit 100 pang observers sa susunod na mga linggo.



Binigyang diin naman ni Temido na hindi lamang sila nandito sa Pilipinas para siyasatin ang mga resulta ng halalan o para maging legal ang proseso, kundi para obserbahan at i-assess kung iginagalang o hindi ang international standards, Konstitusyon ng Pilipinas at mga batas nito.

Nakatakda namang ilabas ng EU observers ang kanilang assessment sa mga susunod na buwan kung saan babalangkas sila ng mga suhestiyon kung paano mapapahusay pa ang paraan ng pagdaraos ng halalan sa Pilipinas.

Ayon naman kay Deputy Chief Observer Manuel Sanchez De Nogues, kanila ring ia-assess ang mga kandidato sa halalan, voter registration at ia-analisa rin ang mga reklamong inihain ng Commission on Elections at resolutions.

Ang ipapadalang observers ng EU ang isa sa pinakamalaking bilang na ipinadala sa Pilipinas mula ng simulan ang obserbasyon noong taong 2000.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">